Pages

Saturday, February 23, 2008

Statistic

Bakit nga ba ako
may blog?
Wala akong dugong writer,
literate lang...
marunong bumasa at
sumulat.

I guess gusto ko lang
ng talaan ng mga
kabalastugan ko
habang nabubuhay
ako dito sa mundo.

Lahat ng emosyon ko
dito ko tinatapon.
Kadalasan galit, dismaya
at lungkot.

Minsan may happy entries din ako
pero nangingibabaw ang
pakiramdam ko na kasusuklaman
ako kung sakaling lahat
ng kaligayahan sa mundo
e nasa akin.

Nyah, joke lang!
Di ako maligaya,
mabibilang sa mga daliri
ko yung mga beses na
tunay akong naging masaya.

Magpost man ako ng
opinion usually senseless
rant lang tulad nito.
Kahit dito man lang
kasi sa malawak at malamig
na cyberspace may
boses ako...
di ako isang statistic lang...
kahit paano may nakikinig.

Wala na nga akong pakialam
kung may magcomment o wala
kasi ang nasabi ko di ko na
mababago.

Tanga ako kung ieedit
ko pa yung mga post ko
para lang umakma sa
kung ano.

I want it raw,
di ako nagsusulat at
nagiipon ng mga
story sa notebook.

Pag nagsulat ako yun na yun,
online streaming kumbaga.
Kailangan kasi mai-encapsulate
kaagad nung post yung
nadarama ko, ayoko mawala
yung emosyon.

Farcical kasi ang dating
pag nagbalik tanaw ka
at nabasa mo yung mga
luma mong post at parang
artificial ang dating.

*Commercial*
Sino ba itong mga hunghang
na miyembro ng boyz.com?
Nanonood ako sa walang tulugan
dahil gusto ko tumawa
at unintentional na comedy show
halos lahat ng palabas ni
kuya germs.

Example na lang itong boyz.com,
sana lang may talent tong mga
lecheng to at di lang
katawan at ahem mukha(?)
ang puhunan nila.

*Back to regular programming*
Journal na nga siya siguro
para na ring diary
pero ang secrets dito
nababasa at may natatamaan,
minsan bumabalik sayo
parang boomerang.

Kaya tamang sulat lang, yung
kayang panagutan.
Mahirap na din matamaan
ng sarili mong sinulat.

Hypocrite.

I am.

5 comments:

  1. hahaha,ang galing!! nakikita ko yung sarili ko sayo! hehehe kaya lang mas emo talaga ako kung magsulat. Hindi na ako nakikialam kung ano ang masasabi ng mga tao sa mga pinagsususulat ko. Gusto ko kasing maging 'talaan' din ng mga pangyayari sa buhay ko yung Hiraya. Sobrang ipinagmamalaki ko to kaya ako nagbablog kasi ito ang tampulan ng mga kwento ko. Samut sari! ayun... gaya mo, di ko rin iniedit yung mga past artiks ko unless may idadagdag o nagkamali lang.. pero usually di talaga ako bumabalik para idelete o baguhin mismo yung concept kasi mawawala yung emotion na meron ako habang sinusulat ko yun..

    http://hiraya.co.nr

    ReplyDelete
  2. nyahahaha, pareho tayo ng istilo!

    raw rules!

    di lang pansariling talaan kundi talaan na din ng mga dumadaan.

    ReplyDelete
  3. hehehe. ang saya saya!

    sino ba yung boyz.com? dance group? boy band? hindi ko sila kilala...mmm.... di naman aksi ako nanonood ng walang tulugan. hehehe

    ReplyDelete
  4. Teka lang,
    bakit ka nga ba may blog?
    Hehehe. Tanong lang yun
    intro kumbaga.
    Teka rin,
    bakit nga ba ako bumabalik dito?
    Dahil pinapasaya ako
    at pinamulat nga post mo.
    Totoo 'to.
    Walang bolahan.
    Basta ikaw ang magpapaanak ng misis ko. hahaha

    ReplyDelete
  5. dn!

    naku! wag mo na balakin pang silang makita, magkakahigh blood ka lang sa galit!

    gervacio!

    salamat sa pagtangkilik.para mas masaya tuturuan kita paano magpaanak para kahit paano makita mo ang paghihirap ng isang nanay hahaha!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...