Pages

Friday, December 28, 2007

Birthday

October 05, 2005

Birthday

Birthday ko ngayon

Puno ng kamalasan

Nagising ako ng halos alas sais

Ang alis ng van - 5:30

Pinagbigyan ako...

Bumili ako ng dalawang balot

ng ensaymada sa goldilocks

Naiwan ko sa bahay

yung isang supot

Anga-anga...

Tumawag si mama

para batiin ako

mga 20 times lang naman siya nagtangka.

Ng masagot ko ...

"Ma, buti tumawag ka, AAAHHHH

late nako, kailangan ko ng umalis."

Mabait akong anak...

In short, wala akong kwenta.

Ginawa ko lang alarm clock

ang mama ko....sigh!

Buti na lang nakaligo nako kagabi

At gumana pa ang deodorant ko

nagbasa lang kasi ako ng buhok

Nakakainis ang lagkit ko...

Grabe, masayang ewan na kenkoy

ang araw na ito...

Wala na sa akin ang mga b-day

Normal na araw kasi to para sa akin

Parang kahapon...

parang tulad ng sa bukas...

o mas malala pa.

Sign na kasi na tumatanda nako

tapos ganito pa rin ako

Alangan na paurong o pasulong

Stagnant...

Redundant...

Na-stuck nako sa ganito.

Pero okey lang

I believe in a world of

black,

white,

and

shades of gray...

Ganun lang talaga ang buhay e.

Isa lang ito sa mga araw sa buhay ko...

Normal...

Uneventful...

Mediocre...

Pero memorable!

(PS. buti na lang at nakakalat ang mga damit ko sa may hagdan at nakahablot pako ng underwear kung nagkataon................yuck!)

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...