Pages

Saturday, December 29, 2007

Sad Xmas

December 10, 2005

SAD XMAS

Dama ko ang kalungkutan

parang walang okasyon

parang walang pasko

wala ni anong selebrasyon

walang regalo

walang hamon.

_________________________

ganito na lang siguro talaga

ang pilipinas

tama si chet.

1 step forward

3 steps back

wala naman talagang progress e

wala din namang development

parang lagi tayong

api

ka-aba-aba,

kakaawa

di na ata aangat ang pilipinas

__________________________

minsan parang kahit ngiti mo

wala ng halaga

pag tumawa ka naman

panandalian lang ang saya

tapos balik na naman

sa dating gawi,

sa pagkalugmok sa putik

sa pagtatago sa lungga

_________________________

malungkot na ang buhay dito

yung mayayaman na lang ang kayang

humalaklak,

ako? kahit nga ngiwi parang ayoko na rin

______________________

pansin mo ba na wala ng masyadong

bangenge pag nangangaroling ang mga bata?

na wala na ring nagbibigay ng barya?

na kaunti na lang ang may parol sa bintana?

na mahina na rin ang benta ng bibingka?

mahirap na kasi ang buhay dito...

sobrang hirap...

palubog...

papunta sa kailaliman

ng kawalang-pag-asa.

_____________________

parang patay na ang pasko

_____________________

wag naman sana...

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...