Pages

Thursday, December 27, 2007

Umpisa

Di ako baguhan sa pagboblog
2005 pa lang nag-iingay nako
sa ibang site.

Pero dahil sa wala akong magawa
at gusto kong ma-expose ang genius
ahem, excuse me po, ang buhay ko pala.

Naisip kong ilipat ang mga natabunan
ko ng mga written memories dito.
Baka kasi mawala na lang akong
parang bula at di man lang
narealize ng humanity na minsan
may nagexist na isang tulad ko.

Wala din akong main topic sa blog
na to, puro kakornihan, katangahan,
at virtual kayabangan at mga opinyon
ko ang malamang malalathala dito.

Kung bakit gusto ko ilipat
ang mga past posts ko ay dahil
parte sila ng buhay ko.
Makakalimutin kasi ako at pina
paalala nila yung mga peste
at masasalimuot na bagay
bagay na nangyari sakin.

Di man ako umaasa na
may sumubaybay nito
sana man lang may magbasa
at magiwan ng koment kahit isa.

PS
Pasagot naman ng survey ko
para may magawa naman ako bukas.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...