Pages

Thursday, January 24, 2008

NBI clearance

Bwisit!
Paikot-ikot ako kanina!
Nakaset nako na pumunta sa nbi
para irenew ang precious document.

Pero bago yun
dumaan ako sa skul
para kunin ang tor na worth 380.

Isang linggo daw bago ito makuha,
leche naman na nakaimbak na yun
sa picture at game laden nilang
mga Hard Drive, e di pa nila ito
naibigay ng maayos.
May pipirmahan pa daw si sister,
sabi ko dadaanan na lang ito
ng friend ko.

Papunta sa nbi, tinext ko si chet,
"pakikuha naman tor ko, tapos
pwede pakisampal siya"
Nakakapundi naman na
wala na nga silang nagawa mabuti
e wala din silang nagawa at all.

_____________________
"Ate banda dun po kayo sumakay."
Me: "Whatever!"

Maliit na happening namin ni
manong sm guard nang paalisin niya
ako sa ilalim ng overpass.
Nagaantay kasi ako ng dyip.
Mabait akong bata kahit bastos
kaya pumunta ako sa may waiting shed.
Right in front of the shed may sign board:
'No loading/unloading'
Peste!

______________________
Pagdating ko sa nbi, cut-off na daw.
Kung bakit ba naman kasi
napakamaraming makupad sa mundo?
Nung last time akong kumuha ng nbi,
7am ako pumila at lumabas ako 430 pm.
Isang malaking farce talaga ang government
dito.

Para naman maging productive ako
dumaan na din ako sa sss para magrequest
ng copy ng aking e1
After filling up the forms,
pumila ako at natatakan.
I asked the civil servant,
"Uhm, saang counter ko po ito makukuha?"
Manong civil servant: "1 month!"
Weng-weng ka pala e,
alam ko namang makupad kayo at
napaka-inefficient kaya aabutin ng
dekada bago ko makuha ang xerox
ng walang pakinabang na document na yan,
Pero sana marunong kang sumagot ng maayos
counter ang tinatanong ko gago!
Sana nasabi ko lahat ng yan sa kanya,
pero tulad ng lahat ng mahihirap
na gusto mapadali ang buhay nila,
tumango na lang ako at umalis.
Bahala na, next month.

2 comments:

  1. wala pa din ako girl! pagpunta ko nung friday, 10 tao ang layo sa cut off! leche!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...