Pages

Tuesday, January 1, 2008

Straw

June 04, 2006

STRAW

Dahil sa pagiging
pseudo health conscious
namin ni chet
at naglalaboy

ahem

cool down kami
after mag gym sa gabi
napansin ko ang isang
kaweirdohan ng mga
pinoy

ang pagiging
obssessed sa mga
S..T..R..A..W..

_________________
Eksenang Sari-sari Store
"Nena, Nena pagbili ng Miranda...Reimar Miranda."
________________
For hygiene purposes
daw ang paglalagay ng
straw sa mga binibili
nating softdrinks
na nasa bote

Galing no?
nadidiri kang uminom
sa opening ng
isang newly-opened
state-of-the-art
machine-controlled
bottlecap-sealed
quantity X ng
brand unknown na
softdrink
pero yung straw na
nilalagay ng tindera
sa bote mo
at sisipsipin mo
at malalawayan
maya-maya lang
e hinawakan niya
gamit ang
pinangkamot
pinanghugas
pinangkutkot
pinangkulangot
pinaglawayan
pinanghawak
pinangpalo
pinangewan
na kamay niya
Yak!
Yak ka dahil
di mo
naisip yun.
E kung sa can naman
simula ng nauso
ang leptospirosis
scam sa text ay
naging wais na ang
mga consumers at
nanghihingi ng straw
kasama ang inorder
na liquid enigma
in a can.
OO,
naiputan
naihian
nalawayan
na ng
daga
ipis
insekto
hamtaro
pati
mga maligno
ang canned drink
mo pero
ang bacteria
ng leptospirosis
ang portal of entry
niya e usually ang open
wound kasi sa bloodstream siya
pumapasok.
okey lang kung sealed yung straw
walang mawawala
pano kung
nakabuyangyang
na parang mga
pick-up stick
ang mga straw na yan
e wala din
___________________
Eksenang Jolibuyog
"Would you like to upgrade your meal to Biggie sir?"
"Ha? E straw na lang..."
"How about fries sir?"
"Hindi na. Okey nako sa straw."
___________________
Nakapila sa may
counter
susulyap sa salamin
tingin sa relo
kakapain si wallet
at ang mahahalagang susi
tingin sa menu board
tatanaw sa nireserve
na table
sisiguraduhin na naandun
pa ang panyo na
ginawang reservation marker

Paparating ang kalaban
Waaaahh
Bata!

kukuha ng mga
3 straw si bata
pagsasabihan ni nanay
takbo si bata
makalipas ang 3.5 sec
andun na siya
sa kabilang pila
may straw dispenser
din kasi dun
pipindutin si dispenser
walang lumabas na straw
titingin sa paligid
parang kriminal
na iaangat ang lid
kukuha ng mga 10 straw
titingnan ang mga hawak na straw
ibabalik ang takip
ng dispenser
babalik sa nakapilang
nanay at magsasabi
"kumuha nako ng straw para
sa atin, eto o!"
manlilisik ang mata ni
nanay pipingutin ang
tenga ng bata
papaluin siya
babatukan
Makapigtal litid
na sasabihin
"Tumigil ka na!
Dalawa lang tayo
na kakain!
Punyeta ka!
Bumalik ka na
dun sa lamesa!"
Titingin si bata
sa ina tapos dun
sa straw dispenser
Pipindutin itong muli
sabay takbo.

Bata
ang tunay na
gamit ng straw sa mga
fast food resto
e pangtusok ng mga
frozen rodents
or floating insects
sa mga drinks
na minsan
nase-serve nila satin
________________
Eksenang Pasko
"Okey klas next year ang materials lang na allowed sa recycled parol contest natin ay...
magnet na sing liit ng singko
kumot na mahigit 4 na taon ng gamit
pinatuyong balat ng saging
mga paso ng baterya
at straw."
_______________
Recycling ang theme
di sinabing
magcreate kayo ng
bagong basura
mula sa mga dapat naitapon na
Yumayaman tuloy ang
manufacturers ng
plastic wares na yan
dahil sa mga theme-theme
natin sa pasko
Dati ang gamit lang
ng straw bukod sa inumin
ay pangsumpak
gamit ang mga bala
ng munggo
Maga na ang pisngi mo
bago pa lumabas
ang gabutil na
sanay nailuto ng munggo
Minsan nalulunok pa
ng buo dahil hinihigop
ito at di na naibubuga.
After mong magawang
parol
banig
damit ng barbie
tsinelas
panggatong
ang mga abang straw
e libong taon
bago pa sila
mabura sa mundong ibabaw
dahil inorganic sila
plastic.

Iboycott ang straw...
rather
Use straws in moderation.
Dapat laging informed choices
ang mga decision mo.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...