Pages

Friday, February 1, 2008

Ako


Hahaha !
Ganyang ganyan ang trabaho ko
dati sa call center.

Yan na yan din yung gusto kong
sabihin sa kanila plus isang malutong
na "Why are you so goddamed fucking stupid ?!"

(Kung taga call center ka at
mala sponge bob ang lambot ng puso
at utak mo...wag mo ng basahin ang sumusunod)
____________________
I have nothing against people working
in the callcenter biz,
(wait...
i do,
karamihan e epal at plastic)
but slaves laboring over crumbs
lang tayo lahat kaya
pagbigyan na.

Naalala ko kung paano
kami
i-pep talk
(Pinapamper ka ngayon
para bugbugin sa floor.)
ibi-build up ang aming ego na ga-satellte ang taas.
"Professionals people! Thats what you are!"

Leche!
Goyo lang yan,
lokohan,
gaguhan!

Ang dami ko ng kinuhang exam
na pangpropesyonal, may certificate,
medal at id.

Tumulo ang laway, pawis at dugo
ko para madugtungan ang dulo ng name
ko ng rm at rn.
Pinipilit kong isagawa ang sinumpaan ko!

Tapos biglang propesyonal?

Pag may update sa trabaho,
di ba may insider issues na di dapat sabihin
sa client tungkol sa products/services
na nakukuha nila...

Niloloko sila kahit bayad na
Ginagatasan
Binebentahan
Corporate trade secrets kuno.

Akala ko nun, masinsin ang pagrecruit
sa mga tao especially kung sensitive ang client.
E bwisit naman kung ang kasabayan mo
ang talent lang e ang maging literate

Tapos kokopyahan at tataasan ka pa sa training
tapos sasabihan ka ng "wag ka magdamot
ng sagot mo, sa floor ka maging selfish."
E kaya nga training e, anong sense?

Sabihin na nating matututunan mo
ang 80% ng work sa floor,
nakakasuya din naman na youre
measured by your stats bawat segundo...

Bakit ang haba ng breaktime mo?
Ano bang ginawa mo sa cr?
Hinde! tapusin mo muna yang call mo!
Bakit ka binagsakan...tawagan mo ulit!
Magsorry ka, customer yan.
Minura ka? Tibayan mo ang loob mo.
Awayin mo din, pero sa di halatang paraan, go!
Ano na naman? Nagtraining ka ba talaga?

Ngayon na medyo recession time
na ang america at nginig lahat ng
transnationals e dapat siguro
ipuwesto ko na ang sarili ko
para sa susunod na bull season.

Sabi sa tv, theyre expecting pa
daw na mas dadami ang magiging
clients ng callcenter biz...

Sa tingin ko...
talagang magtatanggalan,
kasi di naman talaga tangible product
ang binibigay ng customer service,
siguro naman mas uunahin ng kumpanya
na ayusin ang produksyon
kesa sa kung ano pa man kasi
ito yung binebenta nila,
eklat na lang ang customer service
at marketing sa totoo lang.

Pero i dunno
baka sadyang mababa lang
siguro ang pagunawa ko sa economy
lalo na kung sinasabi na gumaganda
ito at di ko maramdaman.

Bitter talaga ako no?
Lalo na sa callcenter experience ko,
iniisip ko din na baka di para sakin yung
account na yun pero...
sabi ko nga sa mga piling kasamahan
ko dati...
enjoy ko yung 'company' but not the "company" itself.

4 comments:

  1. knowing this prior to reading this, sobrang considerate ko sa mga customer service personel because of the shitty thing that they are experiencing.
    basagan ng pagkatao kumbaga pero ganyan talaga dapat mabuhay eh!

    nice artik!

    ReplyDelete
  2. salamat wandering c!

    tama! ako din medyo naging mabait, pero pag wengweng ang serbisyo, natuto na din ako magdemand at ifronta ang rights ko bilang consumer.

    ReplyDelete
  3. in short emosyon at ego ang itataya kapalit ng malagintong sweldo.saludo ako sayo nadaanan mo yan.

    ganyan naman ata sa lahat ng business, pautakan na lang kahit manloko ka ng tao.

    ReplyDelete
  4. tama icka! walang hiyaan na kung walang hiyaan ang labanan.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...