Pages

Tuesday, February 12, 2008

Araw

Allergic ako sa araw
not literally though,
i just dont like basking in it
like the lizards in galapagos island.

Maputi nako,
kalahating banyaga
pero gusto ko pang magpaputi.

Dumikit na ata sa akin
ang mentality ng pinoy
na maganda ang maputi.

I do sunscreen,
yun lang naman.
Protection ko na din yun
dahil di nga ako blessed sa melanin.

Pero marami akong kilala
na halos maligo sa gatas at pulbos...
Extra layer ng libag na
kukuskusin din pagkaligo.

Pinagtatawanan ko din
yung mga tao na kung
magpaputi e mukha lang
at kulay gabi pa rin yung leeg.

Mga babaeng chin-chun-su,
bansag ko sa kanila
dahil yun dati ang usong brand.

Dati naglalagay din si mama
ko ng be-anne (?) pearl cream
tapos naging golden horse
tapos lumabas na ang mena,
kojic, green papaya etcetera.

Tapos meron pa palang placenta cream
Eeew...
Pano ba nila pina process yung placenta?
E nakakadiri ito minsan.

Pagkaalam ko sa fabella,
ang factory ng bata sa pinas,
e nagiipon ng placenta by the drum
Di ko alam kung rumor o ewan...

Ang alam ko ang kaputian ay isang
mababaw na basehan ng kagandahan
remnant ng colonial mentality.

Ganun naman talaga yun e,
kung anong wala ka yun ang hanap mo...
yun ang maganda kasi kakaiba
as long as its not freakishly weird.

Kaya sa Ponds, Splash, 0lay,
Eskinol atbp...
saludo ako sa inyo sa pagtulong
sa mga pilipino na pumuti
at mangarap...*sarcasm*

8 comments:

  1. type mga babaeng mapuputi... moreno kase ako.. opposite atracts di ba... hehehe

    ReplyDelete
  2. may mga lalaki ding gustong pumuti. aba, isang kasama ko dito umorder pa ng Olay - online ha. Bakit online pa. mabinta din naman ang Master. May gumagamit din ng Biolink. Pero ayoko kung pumuti. Mas gusto ko ang balat kong kulay kayumanggi dahi akoy Filipino sa isip, sa salita, at sa gawa. Sobrang-sobra na talaga ang pinagsasabi ko. Pasensiya na. Basta mas gusto ko ang maputing babae..

    ReplyDelete
  3. nature lang talaga siguro ng tao ang hindi makontento. come to think of it ang mga caucasian o mga mapuputi gusto naman nilang umitim...haaayyy, ang hirap intindihin!

    ReplyDelete
  4. maket karamihan ng lalake gusto ng maputing girl? hmmm...ferb?gervacio?guilty!

    gervacio

    okey lang kahit maupos ang mga daliri mo kakatype! at yes madami na ding guys ang gustong maging kulay typewriting at hindi brown envelope!

    Wandering c!

    apir! the grass is always greener at the other side!

    ReplyDelete
  5. hmmmm...maputi daw ako. tingin ko naman ay hindi gaano.

    naalala ko tuloy dati, pinapagamit ako ni mama ng topgel pearl cream para daw matanggal ang tighiyawat ko. haha. effective naman. lol.

    ReplyDelete
  6. dn...
    san ba nakakabili ng topgel na yan?

    ReplyDelete
  7. ahehehe.. ako dati gusto ko magpaputi e. ngayon ayaw ko na.. haha..

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...