Pages

Tuesday, February 19, 2008

Detached

Paano nga ba sasabihin
sa isang ina na ang
sanggol na inalagaan
niya ng 9 na buwan
ay wala na . . . ?

Paano mo sasabihin
na ang kanina lang
na pagikot ng anak sa
loob ng kanyang sinapupunan
ay siyang pamamaalam nito . . .?
_________________

Masakit sa amin kapag
namamatayan kami ng pasyente.
Kami kasi ang naka-front
sa mga nanay, tatay,
lolo, lola, kapatid,
asawa, kabit, anak,
kaibigan, baranggay ng mga pasyente.

Sa totoo lang, di naman responsibility
ng isang nars ang magsabi ng
kalagayan ng pasyente,
doctor ang nagda-diagnose
at sila din ang magsasabi at
mageexplain sa sitwasyon.

Pero dahil sa kami ang laging
nakikita, di maiiwasan na
kami ang masisi, masigawan,
mabato, maboljakan
ng mga kamag-anak.

Di ka naman pwede
magrason ng "ginawa ko na
po ang lahat" o kaya "talagang
todo-na-ito-to-the-highest-level
effort po ang binigay namin."
Emosyonal kasi ang mga yan
kaya kami pa rin ang
magpaparaya.

Di ko maiwasan na isipin
ang pasyente sa pag-uwi ko,
minsan naalimpungatan ako
at mag-iisip kung naibigay
ko ba ng tama yung gamot
at kung may procedure o
health teaching akong nalimutan.

Dala ko sila kahit sa bahay
Pasan ko sila sa
araw-araw kong buhay.

Kaya kung minsan
madalas na iniisip ng mga
napapadaan na parang
mga paru-paro sa hangin
ang mga nars, parang
walang pakialam...nagtatawanan.

Di nila alam,
na parang ugat na kumakapit
ang emotional baggage
na dinadala namin
sa bawat pagpasok sa ward.

Kung pwede lang maging
detached...
kung pwede lang bang
maging manhid...
kung pwede lang bang
maging superhero...
kung pwede lang bang
maging diyos ng gumaling
na ang lahat...

Pero tao din kami
marupok...
naghihimutok din
nagtatampo...

Di din kami sponge...
hindi unlimited ang
absorbency powers namin.

May hangganan kami
pero tinutulak namin
ang aming limitation
para makapagsilbi.

_________________
Sinulat ko ito dahil naghihimutok
ako, hindi lahat ng propesyonal
sa sumumpa na maging
propesyonal ay magaastang
propesyonal...

Bastarda at bastardo
din sila tulad ko,
self-preservation
ang priority.

7 comments:

  1. Nakakalungkot naman. Tama ka, tao pa rin ang mga propesyonal. Parang teacher din pala ano? Nalulungkot kapag isang araw, ang isang magandang dilag na inaasahan ng pamilya ay bigla na lang namatay, o di kayay nabuntis ng estudyanteng barumbado.

    ReplyDelete
  2. hay.. di ko pa nararanasang maatayan ng pasyente.. siguro balang araw pag nars na talaga ako.. :D

    ReplyDelete
  3. realities...
    happy...
    and, sad

    sa ganyang trabaho,
    kelangan lang na kahit propesyonal
    ay meron pa ring puso
    at handang damdaming emosyonal

    hindi basta-basta
    ang umasiste sa doktor
    dahil mas madalas pa nga
    kayo talaga ang umaasikaso
    at si dok ay pachek-chek lang

    pero kung tulong-tulong naman
    maging success man o hindi,
    responsibilidad yun ng lahat

    humans don't have godlike powers over life & death; but you can be a tool in aiding and preserving life

    ReplyDelete
  4. Noong nagpunta ako sa PGH, ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi dahil dun namatay ang dad ko kundi dahil alam ko kung gaano ka depressing ang mga kalagayan ng mga tao dun.

    Hindi talaga ako para sa ospital.

    ReplyDelete
  5. haaay. mahirap talaga dalhim sa kunsensya ang ganun.

    di rin ata ako nababagay sa ganyang propesyon, dahil madali ako ma-guilty... madalas ako humingi ng paumanhin kahit wala naman ako kasalanan.


    sorry is my most used word.

    ReplyDelete
  6. gervacio. . .

    pinakamahirap na siguro sa lahat ang maging propesyonal kasi kumukuha ka ng exam para masabing competent at skilled tapos ikaw pa ang mabeblame sa unforeseen circumstances.apir!

    ferbert. . .

    nars ka din?apir!
    naku mararanasan mo yan lahat!
    pati yung iwanan ka sa ere ng mga kasama mo.

    holy kamote. . .
    well said kumpadre...very well said...

    mugen. . .

    nung nasa unibersidad pako, dun ang aming clinic, minsan dun na din ako nagshoshort cut pauwi, kadalasan katabi ko yung mga naghihingalo o kaya may takip na ng puti. mas gusto kong magtrabaho sa public hospital kesa sa private na parang alipin ka at inaakusahang di ka nakakatulong kahit anong gawin mo

    dn. . .
    patigasan na lang ng puso.sanayan lang talaga.

    ReplyDelete
  7. hehe...aminado ako...malambot ang puso ko. lol.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...