Pages

Saturday, February 2, 2008

Gutom

Because i am dirt poor
and ravenously hungry
I decided to experiment...

My tummy is filled
i feel content
does that mean that
the activity was a success?

WR0NG!

Gawd! Bakit ba ang kulit
ng utak ko pagdating
sa pagluluto!

Sa totoo lang ang kaya ko
lang naman talaga iluto
ay pasta at dinadayo to
ng mga kaibigan ko.

Di kasi ako pangkaraniwang
pinoy, kalahati lang kaya
ang panlasa ko kalahati din.
Kaya laking pasta talaga ako.

Naisipan kong iluto yung
string beans at tofu sa ref
yun na lang talaga kasi ang
natitirang puwdeng kainin
bukod dun sa yelo sa freezer
at mga plastik bag na walang laman.

Marinade kuno ko pa yung
tofu - calamansi at toyo
Gayat pa ko ng onion, garlic,
and ginger para oriental ang dating.

Nakalimutan ko na kailangan
nga pala iprito ang tofu para
gumanda ang texture nito
at maging crispy kaso...

Umandar ang katamaran at gutom ko
Tiniis ko man na papakin ng hilaw
yung mga ingredients sana yun na
lang pala ang ginawa ko.

I sauteed the gisa ingredients
tapos bigla kong binuhos yung tofu!
Anak ng tae naman!
Nabigla din ako sa ginawa ng kamay ko!

So in short, wala nakong nagawa
at habang pinagninilaynilayan ko
ang ginawa ng evil right hand ko,
i made a mental note na wag ng magtira
ng tokwa sa ref at baka masapian uli ang
kanang kamay ko.
(alam ko may movie dati na ganun, na kailangan
putulin yung kamay para di sya makapatay)

In fairness, edible naman sya,
pero parang tela yung kinakain ko
dahil dun sa mga tokwa.

Para makakakain, inuna kong
kainin yung mga duro na tokwa,
ganun talaga uunahin mo yung ayaw
mo para mas okay ang kain mo dun
sa mediocre - dagdag value.

Leche naman, niloloko ko lang
talaga yung sarili ko na puwedeng
kainin yung ginawa ko.

Iniisip ko na lang ngayon na protein
yun at maraming bata ang nagugutom.
At sana wag na kong magexperiment uli.

3 comments:

  1. Hoy! Hello. Hehe. Wala kang cbox kaya dito na lang. Ni-link kita! :)

    ReplyDelete
  2. may cbox me...nagdown siguro hmmm...
    nasa bandang ibaba.

    ReplyDelete
  3. HAHAHAHAHA!!!!!!you are killing me softly sa pagtawa ko ng "gutom" mo.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...