Pages

Saturday, February 9, 2008

Impakta

Malakas ang topak ko kanina
siguro time of the month
pwede rin sa init
pwede rin sa wala-lang-may-toyo
day-lang-ako ngayon.

Nainis ako dahil yung katabi
ko sa dyip ginitgit ako sa estribo.

Hello! Ale na may dalang tyanak!
Pang-pituhan po yung upuan!
Yung isang pasahero na sa may driver
at ako nasa may estribo nakaupo.

Merong pang limang pwesto
na pwedeng pagpilian!
At sana pag-umupo hindi pahalang
kasi sakop ng pwet mo 3 kapag
nakatabingi ka!

At sana din yung siko mo
di nakatungtong sa bilbil
ko na para lang armchair
ang kapwa pasahero!

Ang pangalawang kinainisan
ko e nung kumain ako sa mcdo.
kutsara na lang ang inaantay
nung naunang customer pero
ayaw pa niyang gumilid.

Kinukuha na ang order ko
kailangan ko pang isagaw
over her head yung extra fries.

Tiningnan ko siya,
pero sa liit niya di niya ko napansin.
Patuloy pa rin siya sa pagharang
sa communication session
namin nung cashier.

Nabwisit nako,
sinabihan ko na siya ng
"Excuse me? Do you mind?"
Lo and behold,
classmate ko pala ang gaga
nung haiskul at ang mas
maganda nun di ko na
alam ang name niya.

Ngiti na lang ako...
ngiting aso...
plus nanlilisik na mata at...
itim na puso...
*makuha ka sa tingin*

Talagang iritable ako this day,
naisip ko pa pag sumasakay
ako sa bus, ayokong-ayoko
na may uupo sa harap ko
na may mahabang nakaladlad
na buhok na hinahangin pa.

I dont eat hair,
wala akong ganung disorder...
Pweh! Pakitali lang ang buhok
dahil di rin ako nakain
ng kuto at balakubak.

Maselan akong ewan.
Pero ang nasa isip ko lang
di ako ganun sa iba kaya
sana yung iba maisip man lang
ang golden rule...

6 comments:

  1. eto lang ang masasabi ko...

    chill ka lang kapatid! hahaha

    ReplyDelete
  2. Sus, nakakatakot ka naman. Hahaha.

    Parang gusto na yata kita tanggalin sa links ko. Baka kasi kapag hindi ako madalas makapunta dito eh ipakulam mo ko! Hahahaha!

    Apir!

    ReplyDelete
  3. kaya fan mo ako, nakakatuwa mga experience mo sa daily life mo na actually totoong nangyayari at pareho tayo ng nararanasan na puro buntong hininga na lang ang pinakakawalan ko at puro ngiting aso hahaha!!

    ReplyDelete
  4. mel...

    magbabaon nako ng yelo

    meryl...

    wag naman! moody lang, nyahahaha!

    te russel...

    miss na kita! san ka na?

    ReplyDelete
  5. mon, dito ako sa bahay dakilang nanay at asawa =( gusto ko na maka-alis dito pero wait ko pa 2nd attempt ko sa board results. yung chance ko to work here e slim na lang kasi sa age ko.
    natawa ako sa luto mong tokwa,parang gusto na nga kita pagluto e pag pupunta ako ng skul pagdala kita i hope naman andyan ka nun.btw pala, nagpalit ako ng cp nawala yung cp # mo sa akin kung ok lang sa yo hingin ko ulit ha.

    ReplyDelete
  6. te russle

    si mama nga nakapagabroad ng late40s na sya!
    wee! pagkain!
    volunteer lang me sa cch minsan puro lugaw lang kinakain ko pero in fairnss masarap yung maanghang na lugaw!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...