Pages

Tuesday, February 12, 2008

Keps

Naalala ko yung first delivery case ko
public hospital,
pabayang staff,
medyo magulo,
madaming pasyente,
at kami na mga would-be midwives
nangangatal.

Yung only boy namin sa group
ang pinauna namin
hindi para makakita ng vagina
(malamang natikman na nya yun)
kundi para pahirapan sya.

Napu-put off kasi sila sa
itsura ng keps na may lumalabas
na bata, the best contraceptive ever.

Akin na ang sumunod na case,
Bata pa sya, maputla,
Nakasaboy ang buhok at tulala
Bitbit sa isang makeshift na stretcher

Sa bandang paanan nya
andun yung baby nakakabit
pa ang umbilical cord at walang
alam sa kinasapitan nila.

Emergency! kasi yung placenta
di pa lumalabas at delikado na
ang nanay.

Tiningnan ko yung genitalia...
Ako naman ang natulala,
sa pubic hair niya, may
mga maliliit na green green.

Pinagpag ko yung pubes niya
Nyak! spring onion pala yun,
ginawang ulam ang keps niya!

Nilagay daw ng "midwife"
Para daw mapabilis ang panganganak.
Ang galing naman ng hilot na yun
at pinabayaan yung pasyente,
nilagyan pa ng dahon dahon
yung keps ng pasyente.

Technically di ako ang nagpaanak dun
pero masaya pag may delivery,
iko-coach mo yung mother sa
tamang pag-iri:
Bukaka,
Baba ang pwet
Iri ng walang tunog
Kapit ka sa kama
Angat ang ulo
Tingin sa tyan
Umiri na para lang dumudumi...
Dumi...

Di din maiiwasan
na may lumabas na jebs sa sobrang
hirap sa panganganak.
Kaya minsan maririnig mo
na "Ayan lumabas na ang kambal!
Naku, misis nakipyesta pa kayo kahapon!
Wow! Engrande espesyal!"

Siyempre nakakahiya yun,
kaya no comment ako pag may jebs,
kasi lahat naman tayo jumejebs.

Ganito nga pala ang itsura ng keps
na wala pang bata:
()
Eto yung medyo 10cm na
ang dilation at effaced na
at malapit na magcrowning
(.)
Eto na pag crowning-yung nakalitaw
na ang mabuhok na bunbunan
ng bata at stretched na ang keps
(o)--->(0)

Pagkatapos mastretch to the max
ang keps hihilahin na lang ang bata,
bawal kuhanan ang pasyente
w/o consent kaya yung icons na lang
ang nilagay ko.

Lalabas si baby
na kulay blue
at puno ng vernix caseosa
(parang keso na substance
sa singit singit ni baby)
Ilalagay si baby sa tummy ng mader
Bonding kuno at para magising
at umiyak si baby at maputol ang pusod.

Tapos nun, katulad ng pinaggagagawa
ko kahapon, newborn care na ang kasunod

Ilalagay sa bassinet ang baby,
isusuction para maalis ang
secretions at umiyak.

Bubuhusan ng baby oil
tapos lilinisin ang vernix
gamit ang bulak,
oil lang ang katapat ng vernix.

Dadalhin sa gripo
sasabunin
dadaanan ng suklay ang ulo
para matanggal ang mga dugo
aanlawan

Iiklian ang pusod
injectionan ng vit k
at lalagyan ng ointment ang mata

Susukatan ng timbang
haba, laki ng ulo at chest

Saka pa lang lalagyan ng diaper,
damit, mittens, booties at
ibabalik sa crib at tatapatan
ng ilaw parang sisiw.

Traumatic para sa baby
lalo na sa nurse na gumagawa.
Dahil buhay ang nasa kamay mo
at bawal magkamali...

7 comments:

  1. Curious lang, ano ba ang basihan bakit nilagyan ng dahon ng sibuyas yun ano? ok lang kahit walang real image, maisalarawan naman ng isip ko yung porma ng ano.. hehe..hindi ko masabi kasi.

    ReplyDelete
  2. ahehehe ayos na, binigyan na lang ako ng tapador ng nanay ko...

    ayos sa malikhaing pagpapahayag ng eksenang keps! ajejeje enjoy basahin, magandang istilo. :)

    kamusta naman yung spring onion... ano yun, arroz caldo?

    ahehehe salamat sa komento binibining hilot!

    *peace sign inserted here.

    [yas]

    ReplyDelete
  3. hahaha... the best contraceptive...hahaha....

    i must agree!!!

    ReplyDelete
  4. gervacio,

    wala din akong maisip na rationale kung bakit nilagyan ng dahon dahon yung keps, sabi nung pasyente nilagay daw nung midwife para daw mapbilis ang paglabas ng bata...keps/vagina ayan sinabi ko na hahaha!

    elayas,
    ano yung tapador?
    salamat!
    more likely goto yung nasa isip ng hilot dahil laman loob na lang ang kulang (placenta)

    wandering c,
    mas maganda kung lalaki din yung nagtatahi ng mga napunit na keps para feel na feel nila. nyahahaha!

    ReplyDelete
  5. waaaaaaaaaaaa...laughtrip 'to. hehehe. ^^

    ReplyDelete
  6. Malupit ang mga detalye ah. Wow.

    ReplyDelete
  7. dn!

    kenkoy entry ko to wee!

    mugen!

    mas okay makakita ng nanganganak may mga kasama akong nahilo, ako? di ako makakain pagkatapos, kailangan ko muna maligo bago makakain...ako lang ata ang ganun huhuhu.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...