Pages

Friday, February 8, 2008

Zaido

Isa lang ang channel ng tv ko
di dahil sa gusto ko yung channel
kundi sa wala akong antenna
at luma na ang tv ko at wala ding remote
(mahabag sa api)

So kapuso ako
big deal...
sheeesh...
sa pilitan...

anyway, ending ng zaido ngayon
the big finale (yey! sa wakas! wakas na!)
di naman din kasi ako mahilig
manood ng mga shows nato
pero nachempuhan ko
kanina.

in fairness, maayos ang ending
at maganda ang direction sa tingin ko.

kaya naman pala na di gumaya e
kaya naman palang maging original
pero bakit kapag grand finale
lang lumalabas yung real talent?
_________________

kunsumido pa ko minsan,
bakit kasi parang tuod umarte
halos lahat ng artista dito,
mukha lang talaga ang puhanan,.
(minsan pati lineage, katawan etc)
_________________

past time ko panoorin yung mga
shows para pagtawanan at ikumpara.

Minsan naman talagang may
mga unpolished gems na kasama
sa collection ng mga pwit ng baso,
kaya lang talagang pahirapan.
_________________
Ano nga ba ang tamang formula
para makontento nako at macurve
ang sarcasm and distaste ko sa
philippine entertainment?

Ako lang ba talaga ang may
magulong panlasa?
Baka naman sakit na ito na
dapat idiagnose...

I think I must wean myself
off the telly and go back to reading,
my bookshelf has become a repository
of dust already and my mind needs
refreshing...

4 comments:

  1. napanood ko din kanina ang ending... sa totoo lang, inumpisahan ko ang palabas at hindi nasubaybayan... buti na lang

    sa tingin ko lang, hindi bagay na action star si dennis trillo haha!

    yun ay sa akin lang naman, tama na na naging kontrabida siya sa mulawin noon... yun ay sa akin lang naman, salamat sa pagdaan kanina kosa!

    ReplyDelete
  2. naisip ko mas hitech pa ang effects ng shaider nung 1970s. sa effects ng zaido ngayong 2008. bakit kaya??? hehehe

    ReplyDelete
  3. apir mel! ang nagustuhan ko lang e yung tugtog mwahahaha. parang nawala na yung halina ni dennis trillo para sakin...


    wandering c.!
    tama, yung time space warp chuva nila mas mapapabongga pa ng isang lokal highschool art club!

    ReplyDelete
  4. haha, tama! hindi ko rin gusto ang mga action trip nila, mas exciting pa makipag karate si angelika panganiban sa ronin noon, weheheh!

    lowtech ang effects ng shaier noon pero pag napapanood ko pa rin ngeon(may isa akong episode sa pc) mas nakakabilib pa rin! hehe

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...