Pages

Saturday, March 15, 2008

Ewan

Di ako pumasok sa masteral
class ko kanina,
pasahan na ng take-home
final exam/ paper/pasakit
na gabultong paper work.

Di kasi ako gumawa,
Tinamad ako
Nawalan ng inspirasyon.

First time ko pa namang
umabsent sa masteral,
nagkatarantahan siguro
sila dun dahil wala silang
magamit na laptop,
masipag kasi silang
gumawa ng 'wala'.

Pinaka newbie ako
sa class, bagong grad
medyo bookish pa
talaga at zero experience.

Pero anak naman ng tipaklong
pag nagreport yung iba
bagong jokes lang ang
natututunan ko at di
related sa subject namin.

Alam ko namang nakakatamad
ng mag-aral kapag medyo
tumatanda na pero sus naman
yung simpleng pagbabasa
at pag-outline, siguro naman
madali dali na yun.

Pag adult na talaga
marami ng pesteng responsibilidad
lalo na kung may pamilya.

Andyan ang intindihin sa pamilya,
sa trabaho, sa lipunan, at
of course ang di matakasang
mga isyu sa isip at damdamin.

Naiinis nakong maging adult
May hinahanap ako
pero di ko alam kung ano.

Masaya naman ako sa nursing
pero parang kulang
di pako fulfilled.

Pakiramdam ko not
everybody is giving their
all, nashoshortcut ang iba.

Sabi nga ni ayie,
Mas gusto ko ng maging
nagiisang bobo sa isang pulutong
ng matatalino at least
matututo ka kesa naman
sa ikaw ang matalino at
napapaligiran ng mga abnoy.

Tumpak siya,
frustrated ako.
Di ko man alam lahat ng
dapat malaman sa mundo,
pinipilit kong matuto.

Para sa akin
learning new things
is a must, di ako pwedeng
mabulok at mapagiwanan.

Kailangan kasi yan,
lalo na sa advanced na
panahong ito kung saan
halos lahat ay spoon-feeding.

Mahirap na, baka
biglang may mangyaring
Hollywood catastrophe
(alam nyo na mala-
armageddon
deep impact
atbp)
at kailangan kong
gumawa ng apoy
mula sa lobat na celfone
at 3 piraso ng cotton buds
o kaya ng compass
yari sa gamit ng
toilet paper at walang
laman na bote ng coke sakto.

Dapat alam ko yung mga useless
na trivia tulad nyan
mahirap na.

Kailangan di pagsawaan
ang pagaaral,
katamaran, oo pero ang
tuluyan na itong bitiwan
hindi pwede.
__________
Excuses excuses
hanggang ngayon di pa rin

ako gumagawa ng paper requirements ko

6 comments:

  1. di matatapos ang gagawing mong post na di ako matatawa hahaha!
    mas gusto kong nakapalibot din sa mga taong marurunong kasi marami akong natutuhan mapabata man sa akin o mas matanda pa sa akin.
    sige, sige, gawa kana ng report mo.salamat naman at kahit busy ka nakapagpost ka,parang komiks na kasi sinusubaybayan ko tong blog mo =)

    ReplyDelete
  2. *tamad mode ata ang ating nars ngayon..ahehehe

    paheal nga ng puso!

    biro lang... :0

    [yas]

    ReplyDelete
  3. Mas gusto ko ng maging
    nagiisang bobo sa isang pulutong
    ng matatalino at least
    matututo ka kesa naman
    sa ikaw ang matalino at
    napapaligiran ng mga abnoy.

    - Oy ang ganda nito ah. So true.

    ReplyDelete
  4. russel:

    tumpak! nakakahawa ang katangahan!
    di pa rin me nagawa.

    elayas:

    huhuhu parusahan ang tamad na nars!
    heal ng puso? time lang ang healer! pero kung di yan epektib, ang pagtigil sa pagtibok nito ay nakakagamot din nyahahaha joke joke!
    drop me an email if you want to talk! i feel your pain!

    meryl:

    sabi yan ni ayie (credited), inayos ko lang ng kaunti. tandaan nakakahawa ang katangahan!

    ReplyDelete
  5. gawin mo na. sa malaot-madali, gagawin mo rin naman e... ganyan talaga buhay.. huwag ka umaasa sa iba para sa ikauunlad mo, umasa ka sa sarili mo. ikaw ang gumawa ng paraan para maiba ang takbo ng buhay mo.. kapag nag simula ka sa sarili mo, it follows mahahawa mga naka paligid sa yo.

    ReplyDelete
  6. "Naiinis nakong maging adult
    May hinahanap ako
    pero di ko alam kung ano."

    Tama ka. Same feeling din tayo sa buhay.Pareho tayong nagmamasteral kasi parang may hinahanap pa tayo. Tulad mo nag m.a agad ako after na makagradweyt ako at alamko ang feelings na newbie pa lang at makita mong halos wala paring matutunan sa iba.

    Wish ko matapos mo yung m.a mo. sana akodin kahit iba tayo ng proffesion. Nurse ka hamak na titser naman ako.

    Hope we could be friends. ingat

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...