Pages

Monday, March 10, 2008

Libag

Nililibag din ang
mga mapuputi.
Nililibag din ako,
kaso kulay puti din.

Mahilig ako magpulbos -
baby powder...
May sariling lalagyan
at yung bilog na
parang basahan...
parang baby lang.

Gusto ko naliligo
ako sa pulbos
Mainit kasi dito
at malagkit
kapag napawisan na
ang bagong ligong
tulad ko.

Nung bata ako
para na akong espasol,
pati kasi noo ko at leeg
may pulbos.
Puro bungang araw kasi.

Ngayon madalas na kulay
puti ang libag ko
kasi puro pulbos.

Nuong namundok kami
kulay brown kasi
puro lupa at alikabok.

Pag naluwas kami
sa maynila pati
ilong ko may libag -
libag na malagkit -
kulangot na maitim.

Ganun kadumi ang manila
usok pa lang ng
sasakyan pang
masquerade party na.

Minsan nakakita ako
ng mga kalalakihan
na naliligo sa poso,
wala pa sa isip ko
ang pamboboso nun.

Natuwa lang kasi ako
kasi gumagamit sila
ng piso pang kuskos
ng libag, mukhang
epektib dahil nanlilimahid
na yung paliguan sa dumi.

Ang nanay at lola ko
may mahiwagang bato
na panghilod,
sabi ng mama ko
espesyal daw yun at
galing pa sa bulkan
at di ko pwedeng gamitin.

Wala sya sigurong
tiwala sakin dahil baka
masaktan at mabalatan
ko ang sarili ko kakahilod
gamit ang bato.

Nang nagkaisip ako
gumamit nako ng loofah,
is-is to death
hanggang mamula
at ma-exfoliate gamit
ang pinatuyong upo.

Minsan gumagamit din ako
nung plastic na parang
binalumbon na net,
medyo mura kasi eto
kaya may collection
pako ng iba-ibang kulay.

Di din ako nasanay na
gumamit ng bimpo
dahil feeling ko walang
friction at di ako nalilinis
pag di napadugo
ang balat ko.

Nakakatwang isipin
na para lang maalis
ang libag o dumi
sa katawan ng tao
e may sari-sari ding
ritwal ang mga tao.

Wala lang,
gusto ko lang maligo,
maalinsangan kasi.

12 comments:

  1. Ano? Nakaligo ka na? Hehe. 'Yun lang naman pala gusto mong gawin. :P

    ReplyDelete
  2. ang gandang entry to..ang topic libag..hehehe..you really make a laugh out of your entries..a smile out of reality..

    ReplyDelete
  3. OK din na may libag kasi pag walang libag hindi ok yun. May sense ba ang sinasabi ko? LOL. Naalala ko tuloy ang Bi-ag ni Lam-ang. Di ba naligo yun (sino? - si Lam-ang yata) sa log tapos namatay ang lahat ng isda dahil sa kanyang libag? Hay nakupo!

    Sana nabasa din ninyo ang epiko ng Mindanao - Indarapatra at Sulayman. Wala silang libag pero OK din.

    ReplyDelete
  4. bwahahahha... manila-bashing din?

    :P

    uu may libag din ako. lol.

    ReplyDelete
  5. meryl:
    naligo na at naiinitan pa rin.ngayon ko lang naalala na kwaresma na at arid bone-drying na ang weather ngayong month.

    pamps:
    salamat! ngiti lang ng ngiti! para mwala kahit saglit ang mga pesteng problema...syet...naalala ko na naman sila!

    gervacio:
    i remember lam-ang! pero yung drawing lang niya sa book kasi di nako nakikinig nung lesson na iyon at binasa ko paatras ang textbook namin, mukhang naskip ko sya...kawawa...

    dn:
    manila phobia...sabi ko nga mas gugustuhin kong mawala sa ibang bansa kesa sa manila...huhuhu napaka tangengorts ko!

    hmm:
    sa kung sino man ang nagdelete ng comment nya...isang salita lang...okey.

    ReplyDelete
  6. lolz, pag kasing kulay na ng balat mo ang libag mo, sa tingin ko nagbabalat ka na talaga nun, hinay hinay lang sa paghihilod kapatid, baka maubusan ka ng balat! apir!

    ReplyDelete
  7. eto ang nakita ko na image verification kenina, [URL=http://imageshack.us][IMG]http://img232.imageshack.us/img232/1948/captchatd7.jpg[/IMG][/URL]

    weird noh?

    ReplyDelete
  8. ay basta palitan mo na lang ng mga applicable symbols para lumabas sa net andaya, lolz(spam mode?)

    ReplyDelete
  9. mel:

    naku! bakit puro kakaiba pagdating sayo! may sapi ang pc mo! mwahahaha!

    ReplyDelete
  10. sa tingin ko nga may sapi, andaya, kenina naman may narinig din ako similar story, sito naman sa may amin sa laspiñas, mukhang alive na alive nanaman si slasher ah!

    ReplyDelete
  11. HAHAHAHA!!nagpipigil nakong tumawa dahil tulog ng mga bata,tanong ni gerry sino daw kausap ko dito sa harap ng pc sabi ko ala binabasa ko blog ni monica

    ReplyDelete
  12. mel:

    slasher ang tawag sa sindikato dyan?
    glamorosa sila ha at may official name na.

    te russel:

    wag tumawa sa gabi at baka mapagkamalang baliw.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...