Pages

Friday, March 7, 2008

Tao

Sana naging tunay
na alien nako,
yung walang halong dugong tao.
Dugong unggoy papayag nako
wag lang maihalintulad
sa mas "nakakataas" na
specie - mga humans.

Ikinahihiya ko
ang pagiging tao.

Kahapon lang sa trabaho
Nagsalita yung isang staff
bakit daw wala man lang tumulong
dun sa 3 kasama niyang volunteer
sa loob ng delivery room.

Napagisip ako kasi
andun din ako nung araw na
yun at lumagi na lang
ako sa nurses station dahil
yung nabanggit na 3 ay
nagunahan na sa delivery room.

Sa totoo lang naglaro
din lang naman yung mga
kasama kong volunteer,
pumasok yung 2 ng wala sa sked
tapos tamad pa at
namimili ng activity na gagawin.

Sabihin man nila na goody two shoes
for experience sake nageepal ako.
Neophyte ako at nagaffiliate
para matuto at di maglaro.

Sinabi ko dun sa staff
na andun ako nung araw na iyon
sabi niya naiintindihan niya
dahil kailangan daw may magtao
sa station,.

Buti na lang yun
ang sinabi niya dahil di din naman
ako magsosorry at hahalik sa paa
ng mga staff dahil alam ko yung
mga pinaggagagawa ko.

Ikinuwento pa niya yun sa sumunod
na shift, lechehan nato!
Masama pa naman yung ugali
ng mga sumunod, obvious na
walang manners at nananaksak
ng likod.

Hindi pako nakakalayo,
nagsalita na ang demonya,
sinabihan niya yung isang
caregiver na taon ng naninilbihan
sa kanila ng "Hay naku neng, kahit
apat o limang voluntir pa yan,
mas nakakahigit ka pa."

Isa lang ang nasa isip ko...
Putang ina mo!

00, gusto ko syang murahin ng
malutong iparamdam na tae
siya sa akin.

Di ako mahilig magmura sa harap
ng ibang tao sa blog lang
talaga pero sana minura ko na nga sya.

Alam ko kasing nagpaparinig siya
keber ko ba, kasi yung mga
katulad niyang napaglumaan
na mahirap ng tanggalin ang sungay.

Sila yung mga takot sa pagbabago,
kaya nga nabubulok na sila dito e.
Mayaman nga sa experience
medyo madamot naman
ganun din walang asenso.

Ang isa pang problema
may katwiran yung staff
na sabihin na tamad yung
ibang volunteer.

Nagpapatugtog ng pagkalakaslakas
sa station ng mga nakakababang iq
na jologs songs na mga tanga lang
ang nakakaappreciate.

Tumatakas, uuwi, babalik matapos
ang ilang oras, magdadala ng dvd,
unan, kumot, matutulog.

E parang naglalaro lang ng
bahay-bahayan at tambay-tambayan
sa ospital, wala ng work ethics.

Pawaso-waso magcharting
di man lang makapagvital signs,
di man lang magoffer ng tulong
at kung kausapin ang pasyente
parang ginagawang tanga ang tao.

Sa lahat ng ayoko yung ganun
kasi alam ko darating ang panahon
maaring maging pasyente din ako.

Tapos kanina nanood pako
ng tv umarya na naman ang
mga rallyista.

Nagsasawa nako na panoorin
ang mga professional hakot
na tumatawag ng violence
at sisigaw ng karahasan
pag natamaan na.

Naranasan ko na rin naman
magganyan in fact ang unang kurso
ko sa unibersidad e tailor made
para sa ganyang mga larangan.

Kaso maaga pa lang narealize
ko na waste of time lang ito.
You have to be outside the situation
to see the whole picture.

Yes, ito ay ang pagexercise ng democracy
sa pilipinas pero medyo o.a. na
at wala ng kapararakan lalo na
kung nagkakasakitan na.

Anyway, to each his own...
kung type ba nila ang sadista
o be at the receiving end of pain
sino ba ako para tumanggi,
isa lang ako sa statistiko...
walang boses kundi dito.

3 comments:

  1. "Pawaso-waso magcharting
    di man lang makapagvital signs,
    di man lang magoffer ng tulong
    at kung kausapin ang pasyente
    parang ginagawang tanga ang tao."

    AYOS. MABUTI NA LANG MGA NURSE SA HOSPITAL NA PINGDALHAN SA DAD KO B4, OKS NAMAN. MAY NAGMAMALDITA PERO HELLER,BAKA RESBAKAN KO SILA NG 100X AT SOPLAKIN.
    ANYWAYS, BADTRIP NGA YUNG GANUN. YUNG MGA MATATAGAL NA, AKALA MO KUNG SINO, PAKIRAMDAM NILA ALAM NA NILA LAHAT SA FIELD NILA, PRO YUN PALA MGA ALA NAMAN PALANG WENTA.

    BEEN THERE.NAKU. NAKU. NAKU.

    ReplyDelete
  2. holy kamote:
    tao nga ba? nyahahaha!

    superym:
    may mga bad seeds at good seeds na nurses ako, mas pipiliin kong maging dormant seed.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...