Pages

Friday, April 18, 2008

Hamster

May alaga akong hamster
siya na siguro ang magiging anak ko

Nung 6 years old ako
ibinili ako ng Papa ko ng hamster
yun yung first pet ko - si Honey,
isa siyang Golden hamster.

Siyempre bata, lagi kong
iniinis yung daga tinutusok ko
pag tulog at ipinaghehele
ko pag gising.

Nabwisit na din sya sakin
kinagat nya ko,
naging asiwa na ko humawak
ng kahit anong hayop simula noon.

Pero di ako tumigil mag-alaga
ng hamster.
Naranasan ko na ring maging breeder.

Hiningi ng hiningi ng mga pinsan
ko yung mga anak, ginamit pangligaw.
Sino ba namang tao ang di maku-cutetan
sa isang daga na laging nakatunganga
at mukhang laging aburido.

Aburido.

Yan na ang nararanasan ng hamster ko,
Pabaya kasi ako minsan
nalilimutan ko sya
pagbusy ako kaya minsan
namamahenge na sya at nangangayat
dahil wala ng fresh veggies puro
nuts, chips at tira tira ang food.

Minsan napagkakatuwaan ko syang ilagay
sa freezer kasi sobrang init na
at nagtatayuan ang balahibo niya
sa pawis at inis.

Sinaran ko yung pinto ng freezer
mga 10 seconds lang naman
siya dun, takot din naman akong
magkaskas ng matigas na frozen na daga.

Nilinis ko siya kanina,
mukhang lalong naging aburido si hamster
dahil yung hidden stash niya ng mga
hinoard na nilalalanggam na pagkain
tinapon ka na.

Siyempre hilong talilong siya sa cage
kakahukay at kakahanap,
pero kesa naman mamamtay siya
sa kagat ng ants mas maigi ng
malinis ang bahay niya.

Masarap magkaroon ng pet
lalo na kung mukha siyang tanga,
nakakwili kasing kulitin at inisin
pero minamahal la pa rin unconditionally
(dahil ikaw ang source ng pagkain nila!)

May alaga din ang mama ko
isang budgie.
Isang bes sa sobrang tuwa ni mama
sa ibon dinakma niya to,
parang nagwawalang manok na
pumutak ng pumutak yung
abang budgie akala siguro
ipiprito siya.

Binalik din naman ni mama
si Percy the budgie sa cage
pero natrauma na ito at
nagsisisipol na lang sa isang sulok.

Now you understand may saltik
ang pamilya namin pagdating sa pets...

5 comments:

  1. yon mag ka live-in na hamster namin ( live-in kasi hindi naman kasal eh). sobrang prolific as in. hindi na namin namamalayan na buntis. basta na lang manganganak. e ungas din pala hamster kasi pag nanganak at hindi namin naagaran, kinakain ang mga anak.

    anyway. may tag ako for you.
    http://desperateblogger101.blogspot.com/2008/04/kids-tag.html

    ReplyDelete
  2. nyek! bilang isang dating breeder, ang pagkakaalam ko every 14 days ang ovulation nila kaya para silang bacteria magmultiply.
    dapat hiwalay ang magkalive-in na daga kasi nagpapatayan talaga sila at kinakain ang kanilang litter.
    makailang posporong kabaong na ba ang inilibing namin kakakain nila (3 kasya sa isang kaha).
    salamat sa tag!

    ReplyDelete
  3. haha lafftrip ito, pero super kyut nga ng mga hamster, lalo na pag nakikita ko sila tumatakbo sa parang ferris wheel nila sa cage, haha, makabili nga ng hamster! woohoo! apiR

    ReplyDelete
  4. pag mas mukhang tanga kasi ang pet mas cute...
    mas lalo na kung walang katuturan yung activity nila tulad ng infinite na pagikot sa wheel!

    ReplyDelete
  5. hahahaha!!siguro walang kang magawa sa pet mo nung time na nilagay mo sa freezer, tsk!tsk! kaaba-abang mga pets.yun pusakal namin sa lahat susyal cat food talaga ang pagkain nya.e may sumpa talaga yata ang pangalang garfield(garfie sa min)? dinadaan daanan lang siya ng mga daga at ahas sa bakuran namin at siya pa yun naninira ng mga damit at medyas.nasa labas na siya ng bahay ngayon kasi nakuha ng anak ko ang anthrochoanal polyps(na-operahan lang nitong May at wala pa ko sa tabi niya huhuhu)sa pag-aalaga namin ng pusa.
    may bago kami pet,si odie at maharot din mas maasahan pa.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...