Pages

Saturday, April 26, 2008

Tibak

Pinalabas kanina sa tv yung
bakwet docu-episode
sa howie severino show chuva

Nanggaling ako dun,
north to south ng oriental mindoro,
Mga memories ng exposure/practicum
na gusto kong kalimutan at takasan.

Development Studies ang kurso
ko dati sa unibersidad
kurso ng mga tibaksyonaryo,
under the guise of a preparatory law degree.

Mama ko ang pumili pang DFA daw
ang dating kasi nga mukha me alien,
kahit na tinuro ko na ang nursing course nun.

Hayun na nga bilang requirement
kinailangan namin magbabad
kasama ng mga locals ng 1.5 months
sa mindoro oriental.

0key naman ang mga tao - yung mga
ordinaryong mamamayan; mga magsasaka,
mangingisda, taong upahan, etc etc.

Naexpose din kami sa mga namumundok
alam mo na mga no permanent address.

Di ko pa siya maikwento ng buo
dahil sabog ang utak ko pag inaalala ko.

Kumain ako ng string beans
3x a day for like 3 days.

Kumain ng sardinas na kinanaw
sa tubig bilang ulam na parang aso.

Magtiis na di maligo ng apat na araw.

Mabuhay ng 1 week gamit ang
2 piraso ng underwear.

Uminom ng tubig na may
lumulutang na kalawang.

Palibutan ng mga sundalo.

Bigyan ng komunistang pag-aaral.

Mafood poisoning.

Gamitin bilang front upang
makapangalap ng impormasyon.

Ginamit kami...

Yun ang di ko matanggap,
estudyante kami na ginawang espiya
at taga proseso ng impormasyon.

Tapos mapupunta din sa wala...

Bulok ang lahat ng sistema
naiipit ang tao sa gitna...

6 comments:

  1. dala na din ng kalasingan ko ang magiging reaksiyon ko dito...

    TANGINA GINAWA SA INYO YUN!?

    badtrip naman yun!

    sa tingin ko wala silang piangkaiba sa mga sosyalerang tumutuhog ng pishbol! errrr!

    nakatulugan ko ang bakwet kenina, sana andun pa sa blog ni pareng howie ang story na yun, apir!


    basag na talaga ako

    ReplyDelete
  2. ganyan ang buhay tibak...exciting na ewan!
    ahehehe maybe balang araw babalik ako sa kalsada.

    *shangaps, maraming salamat sa pag-intindi sa aking entry.

    salamat ng marami!


    [yas]

    ReplyDelete
  3. ano po ang tibak? at bakwet? hahahaha

    scary naman ng experience mo sa place na yun! dont know how it all works, pero di nga katanggap-tanggap na gamitin ang mga estudyante para gawing espiya!

    ReplyDelete
  4. (tibak.. aktibista ba ibig sabihin non..)

    sa totoo lang ang tagal ko bago ma-digest ang sinabi mo.

    ReplyDelete
  5. ewan ko binasa ko ulet, im trying to find an explanation but all I can think is Alice in Wonderland and Bin Laden.

    it's one hell of experience..

    ReplyDelete
  6. mel:

    puneta o isang lasing na kumentarista! hahah joke!
    lagyan kita ng glue para mabuo ang may lamat na ikaw!

    elayas:

    tama! kailangan din kasi maranasan ng lahat ang pagiging tibak para talagang maintindihan sila!

    odin:

    ang kakatwa pa dun, nangako sila sa magulang namin na di kami dadalin sa "maiinit" na lugar, pero ayun nasa hotspot kami!

    dabo:
    masaya na malungkot, exciting na boring, pinaghalong lahat. di ko kasi maikwento lahat hahaha baka gantihan ako at matrace at mawala parang bula.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...