Pages

Friday, May 30, 2008

Busy

Tae!
Nagbusy-busyhan ako uli.
Ang dami kasing mga pangyayari.

Nawili ako sa kakalaro
ng isang online game
kung saan puwede kang
gumawa ng sariling bahay.
Parang the sims at FF lang.

Tapos busy din sa pagvovolunteer
First time ko magstraight
nung isang araw,
5 kami nung umaga
at mag-isa nako nung hapon
tapos puno yung
ward at nagkalat pa ang mga
estudyante.

Toxic ako nun dahil may
ongoing blood transfusion
yung isang patient at
may nanganak pa
tapos may waiting at may
pasyenteng topak lang
at nangungulit.

Sa kakulitan nya sa kakapatanong
pinuntahan ko na sila sa kwarto.
Napakamundane kasi at pointless
na ang tinatanong nila...

"Uhm pwede na po ba siyang kumain?"
(mga 5x tinanong)

"0key na po ba siya kumain?"
(E dapat mga 4 hours ago pa nga
siya kumain e guntom niyo lang)

"Pwede na po ba padedehin yung
baby mukhang gutom na siya e."
(Protocol samin na after 4hrs post
rooming in padedehin ang baby,
so ininstruct ko na sila sa proseso,
mga 3x pa silang nangulit)

At nung andun na nga ako sa kwarto
hinarap ko na sila at binigay ko
lahat ng instructions (again) in detail,
tinanong ko din sila kung may query
pa silang iba.

Medyo confrontational nako nun
kc nga puno ang ward at kung
mag-aadmit kami mga direct
to delivery room na lang ang
tatanggapin
(tipong iuubo na lang e lalabas
na yung baby).

kailangan ko kasing imanage
yung time ko between them all,
kailangan ko din bantayan ang swero,
iprepare at ibigay ang gamot,
monitor ng vital signs
at gumawa ng charting.

Mahirap 'to kung mangungulit sayo
ng mga tanong na nasagot na,
pinakaayaw ko pa naman yung
mga paulit-ulit.

Tapos darating pa yung "mudra mo"
yung R0D namin na ewan,
kasi siya ang magpapaanak sa hipag niya
buti na lang di ko na naabutan at umuwi nako
hehehe nakaligtas ako sa kalokohan at
kalupitan niya!

Inaantay ko na nga lang na ako ang
paginitan niya dahil sa mga kwento
ng mga kapwa ko volunteer e lahat
sa kanila ay nakabangga na siya,
yung isa sinigawan pa in public
sa harap ng patient, relatives,
students at staff.

Punyeta pag sakin ginawa
haharapin ko siya dahil nasa
code of ethics ng mga "professionals"
ang pagconfront in private sa
mga kasama sa healthcare team.

Tae siya talaga,
pangit na nga, pangit pa ugali.
Aarrgghhh, ayoko masira buhay
ko dahil sa kanya.

4 comments:

  1. kelangan ko na nga din magkakakain! kelangan ko ng tapsilog!

    tae nabuhay ka! lolz ano nilalaro mo ngeon?

    ReplyDelete
  2. huwaw kaya naman pala. anyhow, welcome back sa iyo!!!

    ReplyDelete
  3. kaya pla busy mode eh. ow lang ako nakadalaw. woot.

    off topic question:
    tga bacoor k d b, alam mo ba kung san may dialysis center d2?

    ReplyDelete
  4. mel.

    wonderland online! talagang pang-isip bata!

    wandering c.

    namiss ko kayo, waaaah!

    icka.

    taga cavite city ako, di ako sure sa bacoor try mo sa st. dominic.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...