Pages

Saturday, May 3, 2008

Ganda

Masyado na atang iningu-ngud-ngod
ang konsepto ng kagandahan
sa isip natin dahil sa dami ng
ads sa tv.

Anyan yung bago ng pantene -
yung 4 na most beautiful daw.
Sige granted na kaya na nga
sila nakapagartista dahil
gifted sila aesthetically.

Punyeta naman na talagang
mananatiling flawless yang
mga bwisit na yan dahil di
naman sila nagkukumahog
magtrabaho araw-araw.

Meron ba silang anim na anak?
Sweldo na 4thou lang na
pagkakasyahin pa sa bills,
food, rent, baon atbp?
Walang pang-spa ang mga
dukhang commoners.

Theyve got it easy,
ang nakakaloka pa dun
kailangan pa talagang
ibenta ang konsepto ng
pagiging "maganda" above all
kahit naghihikahos ka na.

Isa pa san ka ba nakarinig ng
shampoo na water activated?
Bubula ba yan pag walang
tubig, gaguhan na talaga to.

Ang dami na tuloy beauty
products...
Mas maigi ng maging
maganda kesa sa
hagarda.

Di pa naman ako mahilig
magayos, sa isip ko dumi lang
yang make-up, isang maskara.

Kung talagang may itsura ka,
kahit pahiran ka pa ng tae
ng kalabaw at painumin ng
sukang panis, makikilala ka pa rin.
Mas maganda ka kung
merong ka pang personality.

Di ko rin nakahiligan na
magbaby powder nung haiskul,
may mga classmates ako na
elem pa lang malandi na.
Aanhin ko pa yung dagdag
libag na face powder kung
hahatsingin ka naman
buong hapon at pagtawanan
dahil sa iba ang kulay ng leeg
at mukha mo.

Di ko kelangan ibenta ang
sarili ko at ipackage para
maging mahalimuyak sa
opposite sex.
Para lang kasi akong rafflesia
flower...(yun ata yung giant
mabaho na flower na dinadagsa)

Kahit bola ako ay may
nagkagusto din naman sakin,
at ang minahal nila
sakin ay yung isip ko.
Di naman kasi magkakawrinkles yun.

Nag-aayos din naman ako
kung minsan, pag kailangan,
at pag nasipat ko yung makeup
ko na kailangan ng gamitin
dahil nilulumot na.

Nakakasawa din kasing
tingnan ang isang taong araw
araw na posteryosa, pag nag-ayos
uli sya yun ng yun ang makikita mo.
Wala ng misteryo, make-up lang
ang talagang sikreto.

Sinulat ko to dahil malamang
sa inggit
Pangalawa,
sa galit sa mga pinanganak na
maganda tapos ipinamumukha pa sayo.
Pangatlo,
Sa mga di blessed tapos nagpupumilit
na maging gorgeous
Ikaapat,
dun sa mga lalaking humaling
na humaling sa mga babaeng
maganda pero walang utak
Ikalima,
Para sa mga ads na sinungaling.

Inilalagay ko din nga pala sa
pedestal yung mga taong
nagmahal, nagmamahal
at magmamahal ng isip
ng isang tao...

Mas mahirap linlangin ang
isip kesa sa mata...

5 comments:

  1. akala ko kanta...
    hinahanap ko ung chorus.

    ReplyDelete
  2. wag ka na magalit... di ko naman kasalanan kung ipinanganak akong may taglay na natural na kagandahan eh hehehehehe joke! peace tayo hahahaha mwah!

    ReplyDelete
  3. sakit sa ulo talaga ang mga ganyan meyn... kelangan sila pasabugin...!

    ReplyDelete
  4. ..anhaba naman ng mga post mo, puro tagalog pa..nakaka-nosebleed po...pde post kau one time ng english..love your blog, khit i didn't understand all the words...lol


    xD

    ReplyDelete
  5. abou:

    naku, pasensya, ganyan talaga ako sumulat dahil nahihirapan akong magbasa pag dikit dikit lahat...

    odin:

    at dahil maganda ka! banished ka na girl! mwahahaha! joke!

    mel:

    kayanin kaya sila ng bazooka gum?

    dedpish:

    salamat sa pagdaan!
    yaan mo pag may topak ako mag-iingles ako! mwahahahaha!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...