Pages

Tuesday, May 6, 2008

Mudra

"Kung ang hamster ko
ay may IQ na 3,
siya zero IQ"

Yun ang sinabi ko sa kasamahan
kong tungkol sa doktora
na naka-assign samin.

To be frank, ayoko sa kanya
personally at professionally,
may mga tao talaga na
kahit anong gawin mo
iritado ka at nasisira ang
araw mo pag nakikita ang
anino niya.

And so ganun na nga,
sira na ang araw amin.

Technically kasi GP lang siya,
hindi siya pedia o ob-gyne,
parang residente lang.

Pagandun siya dala niya
ang aba niyang anak na
lagi niyang sinisigawan
ng english (pa-impress).

I dunno whats the use of
teaching the kid english
kung lalaki naman siyang
emotionally handicapped
dahil sa asta ng magulang niya.

Lahat pinakikialaman
ultimo procedures na sa tingin
ko ay dapat sa specialista na
ibigay.

Nung isang bes na may cesarian,
pumasok siya bigla sabay
nagsisigaw ng "Ano ba naman kayo,
kailangan ba ako lahat ang gagawa?"
Sabay bukas ng droplight
(yung pang-ilaw sa mga baby)

E punyeta ka (sorry sa mga minor)
Di pa nga nakakapaglagay
ng anesthesia magbubukas ka na ng
ilaw? Ano ang pinapaiinit mo hangin?
Matagal pa bago hugutin ang baby,
sayang lang ang kuryente.

Ang tawag ko sa kanya -mudra
As in yang Mudra mo nagkakalat na naman
o dili kaya
si mudra kung ano ano na naman ginagawa.

Pasigaw siya lagi,
at minsan walang pakundangan
kung alilain kami.
"Peram black bolpen? Bakit wala
kayong bolpen? Black ang gusto ko."

Kung di ba naman mapagmasid,
e shifting ang nurses at iba-iba talaga
ang kulay na gamit bawat shift,
sana magdala siya ng sarili
niya dahil duktor siya at dapat
lagi syang handa.

Kaya ang ginagawa ko
kung asan siya lumilipat ako;
andun sya sa DR lipat ako,
andun sya sa baba, akyat ako,
wag ko lang sya makita,
para siyang tae ng aso na pilit
iniiwasan.

Yan ang ayaw ko sa ibang doctor
parang mas mababang uri ang
lahat kahit minsan pasyente nila.

Dahil ba sa almost 1 dekada
sila nagpakadalubhasa?
Nagaral din ako ng matagal,
2 kurso, 2 lisensya,
nagpakadalubhasa din kami
sa larangan namin.

Hindi mas mababang uri
ang mga nurses...
kapantay niyo kami sa
health team...
Dahil kami ang laging
humaharap sa pasyente...

Isang doktora lang talaga
ang na-appreciate ko,
isa siyang mahinhing residente
nung estudyante pako.

Nag-aambu-bag kami
ng newborn at ivinolunteer
niya ang sarili niya na siya muna
ang gagawa dahil mukhang pagod
na kami....
Maayos yung maghapon na yun
dahil lagi siyang nakangiti
at tinuturuan niya kami,
nagpalitan kaming 3 sa pag-aambu-bag.

0key di ba kahit ngiti,
at least may kunswelo kami,
di yung sisigawan ka na para
bang ikaw ang pinakatangang
tao sa mundo.

Sa susunod magbibilang na
ko ng 1-10 ng paatras
para di ko siya masagot...
Sana kayanin ko...

9 comments:

  1. ang tawag dun, psychic vampire mo siya. hahaha

    ReplyDelete
  2. Hahaha. Sa lahat ata ng larangan me nababagsagang mudra. Pero ngayon sa opisina ko, since matanda na ang tawag namin, lola. As in "Ayan, nagnggagalaiti na nnaman lola nyo". hehe.

    Pero malala mudra mo. Ang tingin ko sa kanya, INSECURE. Eh GP lang pala sya eh, kung maka asta akala mo Key Opinion Leader (KOL, tawag sa Dr. na me say sa lipunan, ayon sa sales force/ medreps). hehe.

    Teka, eh bakit sya napapadpad sa OB? Naliligaw ata?

    ReplyDelete
  3. sya ba yung tinutukoy mo sa kuyog post mo? yung butangera? hahaha

    ReplyDelete
  4. hay mga doctor talaga na ganyan.. :)

    ReplyDelete
  5. pag graveyard shift yang mudra na yan, lagyan nyo ng tabasco sauce ang kape, sira ang ulo nun panigurado...

    ReplyDelete
  6. san ka nagjuduty? grabe. i need to prepare na foro the mudras iL be encountering! hahaha.

    ReplyDelete
  7. me anak akong dra. mga kwento nya talagang me ganyan klaseng dra. may hate na hate nga rin consultant yong anak ko kasi ubod nga ng yabang. ang

    yong anak ko, love ng mga nurses, janitor at security guards. hindi nya kasi inaaway ang mga ito. ang madalas nyang kaaway ay yong mga OA at feeling na mothers sa ER. =)

    ReplyDelete
  8. wandering c.
    more than a vampire siya! evil incarnate talaga!

    ponchong.
    salamat sa pagdaan, kasalukyang kong pinagaaralan ng seryoso ang suggestion na yan

    toilet thoughts.
    talagang insecure siya! panget siya e! nyahahaha!

    odin.
    iba pa yun!

    dakila.
    epal talaga from conception yung iba!

    mel.
    naku! wag na sya magrotate ng sked, on call lang siya at pag umaga lang nadaan!

    bloom.
    be afraid! be very afraid!

    desperate.
    mabait naman ata ang anak ninyo at talagang napalaki ng maayos, etong samin mukhang isinuka ng kadiliman ng hell para maghasik ng kasamaan dito.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...