Pages

Wednesday, July 2, 2008

1800

1,800 pesos
halaga ng 3 day training
namin sa IV insertion
o yung pagtusok namin ng swero.

nagsayang lang ako
ng pera dahil bukod
sa wala akong bagong natutunan
pinagod ko lang ang
sarili ko sa pagbyahe.

3 araw
4am gising
mga 7 andun na kami ni ron
4:30pm sakay pabalik
ng zapote
(las pinas yung ospital)
makakarating ng bahay 6:30pm

aba di nakakatuwa yun!
tapos yung lugar pa
parang subdivision
na di mo maintindihan,
ang lungkot, lungkot ng aura.

basta di ko type ang las pinas.

nagkatusukan din kami ni ron
kailangan kasi naming
magreturn demo ng insertion
muntikan nako pumalya!

pano ba naman
sa lahat na lalaking kamay
na nakita ko, sa kanya lang
yung nakalubog ang ugat,
pahirapan pa palabasin
kasi nga bawal pitikin!

tae! kung walang c.i.
papaitimin ko talaga kamay
nya para lumabas yung ugat hahaha.

nakapasok din naman ako
konting ikot lang tapos
muntikan din maglawa
yung dugo nya kasi
pinapatanggal nung nurse
yung needle kala ko
huhugutin ko lahat.

kasi naman ieexplain nya
kasi na kailangan ikabit
daw yung tubing sa iv.

hehehe di niya alam,
matagal na naming alam yun
kasi talagang nagiinsert na
kami ng IV.
partida pa yun dahil madalian
at malikot ang pasyente.
nung isang bes nakainsert ako
ng brownout pa at konting
araw na lang ang ilaw ko.

mga 80 people kami
sa loob ng isang kwarto na pang 35
na may iisang aircon.
bahala na kayong magkwenta
kung magkano kinita nila
matapos i-awas ang mga
zerox, mumurahing pen,
handbook at brown envelope.

kanina last day namin
parang revalida uli.
lahat ng procedures idedemo
tapos ieexplain mo pa.

parang balik eskwela lang uli
tapos ang gulo-gulo pa ng pila
at nagkakasingitan na.

naipasa ko naman lahat
kahit one-word sentences lang sinasabi ko.
verify,
observe,
explain,
handwash,
prepare,
assess,
document,
reassure,
etc...
paulit-ulit lang.

siguro nabore na yung mga nurse
kaya check na lang sila ng check.

mag-iipon na lang me ng cases
tapos licensed iv therapist na ko.

on a side note,
ng sumakay kami ni ron ng jip
may isang manyakis na mama
na tingin ng tingin sakin
parang kakainin ako.

may phobia ako sa mga ganyan
dahil pinaka-ayoko yung
tinitingnan ako or being stared at.
napakapit ako kay ron na parang tuko
at muntikan nakong maiyak
buti na lang bumaba na kami.

kasalukuyan kong kinukwento
kay puzzled ron kung bakit me
napakapit sa kanya ng biglang
may isang lola na may ipit na
payong sa kili-kili ang nakasagupa ko

tinamaan ni lola ko ang tyan ko
dahil dun sa nakahambalang
na payong parang sinikmuraan ako.

tae! payong lang katapat ko.
at masakit pa sya hanggang ngayon.

2 comments:

  1. nakatago lahat ng parte ng katawan ko na may mga big veins eg. neck, pulse at tendons. ito ang unang reaction ng katawan ko kapag nakakarinig ng something about karayom, IV, injection at iba pa...

    naku, isipin mo na lang experience din yan...

    sorry pala kong naunahan kita sa topic. hahaha!

    ReplyDelete
  2. masaya naman sa las piñas ah(kasi taga las piñas ako)... mas ok sza pag sa gabi tinitignan haha!

    anong ospital yan? madaming kasing supot na ospital sa las piñas e

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...