Pages

Saturday, September 20, 2008

Neighbors...

Nagiging dormitory/
boarding house/ tambayan/
motel/inuman place
na ang compund namin.

Sandamakmak kasi ang
nursing students dito,
ni rent nila ang isang pinto
at pinaghatian ang kwarto.

kaswerte ng mga bwisit
dahil secluded ang bahay
(nasa likod kami)
at di muna kailangang
lumabas pa ng compund
para makakain.

Pinagkakitaan na kasi
sila nung isang pinto sa
harap at nagluluto na sila
ng sandwiches bukod
sa mabili nilang sari-sari store.

At pag tinamaan ang
mga weng-weng ng uhaw
na di mapunan ng tubig,
walking distance lang sila
sa lahat ng tindahan,
especially ng 7-11
(ang repository ng alcohol)

Kaso maingay ang mga bwisit
yun pa naman ang pinaka-ayaw
ko - ang nonsense na sigawan
at landian especially kung tahimik
na ang paligid at namamayagpag na ang
mga aswang at multo.

pano ko pa makikita ang
mga maligno kung nabubulabog sila
sa ingay ng mga lasengglot?

Minsan nangyari na ang
kinatatakutan, nagbanggaan
sila ng init ng ulo
nung nakatira sa baba.

Wow! parang telenovela,
may dabugan, sigawan,
pabulong-bulong na etchos
na rinig naman ng lahat.
May apology scene pa
at sobrang haba ng pag-eexplain.

Akalain mo ba naman
sa sobrang wala akong pakialam
sa paligid ko e di ko alam na
bagong panganak pala
yung nakatira sa baba?

Hahaha! in fairness
ang galing niya magtago,
kaya pala puro empire cut
ang madalas niyang damit.

Nalaman ko pa tuloy dahil
sa bangayan nila.

minsan, it helps to
be a wallflower din,
blend lang sa design
nag-oobserve
nagmamasid
tahimik na
nag-iisip.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...