Pages

Tuesday, September 30, 2008

Pagbabalik loob

Ang hirap maging
nagbabalik-loob na alcoholic,
pinaparusahan ka nito
at parang apoy na sumusilab
sa lalamunan ang brandy
pinaparamdam sayo kung
ano yung ipinagpalit mo
ng naging sober ka.




Kinaya ko naman

ang walang tulugan session
ko nung isang araw.

Busy kasi
kaya busy din utak ko.
Kaso pagdating ng
hapon bulagta nako.

Buti na lang dumating
ng wala sa oras at uninvited
sina ferdie at bryan
(si ron kasi kasama
ko sa shift)

So ayun niloko namin
si bossing gandang CJ
at tinago ang bag niya.

Sinamahan namin siya
bumili ng walis ting-ting
at broom sa smuggled-goods
store ng Novo at yung isa
pang bagong store na
puro din made in china
yung produkto.

In fairness, natuwa ako
kakatesting ng make-up
sa kamay pero hanggang
dun na lang yun.

ininvite nila sarili nila sa bahay
at naglandian kami dito.

Si Bryan as usual
diretso sa pc
Si Ferdie nakatunganga
kay Bry
Si Cj at Ron bumili
ng bbq na inubos at
nilantakan nina
bry at ferdz pagkadating.

So ayun ang drama
may tira pakong
generoso sa bahay
at pinatos namin yun.

Tae!

Ang hirap maging
nagbabalik-loob na alcoholic,
pinaparusahan ka nito
at parang apoy na sumusilab
sa lalamunan ang brandy
pinaparamdam sayo kung
ano yung ipinagpalit mo
ng naging sober ka.

Bili uli kami ng bbq
na agad ding naubos.

Nagkabugbugan nasina
ron at bry gamit
ang handle ng broom ni cj.

Bili uli ng bbq,
Napaghahalatang
matakaw ang lahat.

Medyo tamang Tama
lang ang lasing namin
Magkakayakap kaming
lahat sa sofa,
nagsisiksikan
naghahagikgikan
nagpipicturan
habang nanonood
sa youtube ng mga
kaweng-wengan japanese
horror stories ni ferdz.

Maaga din natapos
dahil maaga din uuwi
si bossing Cj at ako
talagang mapungay na ang mata
sa kawalan ng tulog.

Ayos din ang reunion.
Tama lang ang timpla!

2 comments:

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...