Pages

Thursday, May 21, 2009

Rupture

its been a hellish busy week,
actually 3 weeks na.
lagi kaming puno at dinadagsa
ng mga buntis, pati stretcher
namin na pang transfer ng pasyente
nilagyan na din ng buntis.

pinapadala na namin sila
ng sariling folding bed or di
kaya pinapauwi namin agad
yung mga dapat umuwi.

pag 24 na ang stay ng mother
at okey naman sila ng baby,
tsupee na sila para sa bahay
na magbonding at magrecuperate.

swerte namang hindi pa kami
nagdodoble table, yung tipong
may nanganganak sa DR
(delivery room) at may pinapa-
anak din sa Examination Room.

masama akong bata,
sinasabayan ko yung pagkabusy nila,
late ako pumapasok,
para matuto yung mga bago sa endorsement
at sa pagra-rounds at
sa pag-iikot ng mga doktor.

kahapon may emergency CS kami,
nagpaka-epal nako sa loob ng DR.
nagrupture na kasi yung uterus tapos
placenta abruptio pa siya.

meaning sa taas ng BP niya di na
nakayanan ng placenta/inunan yung
pressure at nagseparate na sila
ng uterus or matris.

yun ang bawal na bawal
sa mga buntis, kapag nadiagnose na
mataas ang bp mo, medyo high risk
pregnancy na itich kaya dapat
alaga ng duktor.

complication na kasi ang kaso niya.
sa sobrang taas ng BP, nag -
abruptio placentae or abrupt
separation ng inunan sa matris
ng di pa nagdedeliver yung baby,
at dahil dun kasama na rin ang manipis na matris
pumutok or nagkaroon ng punit ang matris.

this is how complicated the case is,
dapat sa surgery may layers
(im not sure about the order)
skin
muscle
fascia
peritoneum
uterus
amniotic sac
baby

yung kanya
skin - muscle - baby na agad
kaya parang kahoy na sa tigas
ang tiyan niya.

gabi pa daw sumakit ang tyan niya
umaga na siya nakapunta sa hospital.
the baby was without oxygen the whole time,
since the placenta provides the nourishment
and o2 to the baby.

andun lang kami sa labas ng OR
nagbigay na ng drugs yung residente namin
sa baby, tapos no choice ini-wheel namin
yung bassinet sa nursery.

Nagsuction kami, nagsalitan ng ambubagging
pinalagyan ko na ng O2 yung ambubag
kasi di naman effective kung magpump
lang kami, tapos nagsalitan ako naman
ang nagchest compressions.

nakailang emergency drugs kami at more
than one hour na nagtry magresuscitate
to no avail, we baptized the baby
and our doctor broke the news to the
relatives.
nagtatry pa rin kaming magrevive kahit mottled
na siya at andun yung relatives.
still the baby was not meant to be.

I did not cry that day although
parang may cloud sa buong
shift while we were working.
50/50 pa yung mother at wala pa syang alam.

Today, the doctor asked me to
accompany her as she told the patient sa
kung anong nangyari sa baby niya.

Wow! -Tsuk!
Ang sakit!
Muntikan nakong maiyak
but i had to maintain my
composure para professional.

Buti na lang medyo
light-hearted at nagpapatawa
pa tong si doktora kaya medyo
straight-faced ako.

Ganun na lang ang hagulgol
ng pasyente...
to carry that baby 9 months
tapos in a few hours time
nawala na lang bigla...

Ang senseless...

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...