Pages

Monday, July 27, 2009

SONA

As we all know its PGMAs
last SONA after a grueling
two term stint as the nation's
punong abala/hermana mayora/
haligi at ilaw ng tahanan/chief
commander/ presidente.

Excited pa naman ako manood,
tama lang ang uwian kong alas 3,
tapos umuulan-ulan pa, sinabayan
ko ng timpla ng Milo kaso ang boring.

In the end hindi ko sya pinakinggan
bagkus nakatutok ako sa paglalaro
sa DS ko habang sumusulyap
ng cheats sa PC para dun sa game.

Ayun di ko na siya talaga naintindihan,
napapansin ko lang yung awkward pauses
para sa applause ng mga sipsip
na politiko na ang gagara ng mga damit
kasama ang mga Botox enhanced
cougar-whores or gf of the month
fuckners nila.

Inantay ko na lang yung recapitulation
ni mike/ehem-ehem-eskyushmi poh/
enriquez dun sa coverage ng gma
(kasi nga isa lang ang channel ko)

Well ok lang sakin yung speech,
ok lang yung presentation,
hindi naman siya demagogue tulad
ni Marcos na kaya i-rally ang mga tao
para tumalon sa bridge dahil sa galing
mag-speech.

Ang sa akin lang she can say whatever
she wants, because she is still the prez.
The SONA is a report after all.
I cannot vouch for the veracity of her
accomplishments nor here sincerity in
serving the nation pero its not up to us
anymore.

Patapos na ang termino niya,
maiaatras pa ba ang panahon
at ma-undo lahat ng mga scandals,
chizmiz, iregularidad na nagawa
ng pamilya niya?

A teacher once told me,
to be an effective leader or kahit
manager kailangan balanse ka,
kailangan may kaaway ka.
Hindi ka tunay na lider kung
isa lang pinakinggan mo.
May time talaga na kakainisan
ka ng lahat pero someone has to
do the drastic actions.
Matapang ka kaya nga ikaw ang lider e.

Parang ganun ang tingin ko sa kanya.
Hindi dahil type ko siya or bayaran ako
or defensive ako or whatever, kung
hindi dahil sa gumawa siya ng mga decisions
na hindi popular at marahil hindi din
tama or swak sa pangangailangan
ng ibang sektor.

Kung magtatanong kayo e paano
na yung pandaraya niya; sa akin
kasi given na yun sa lahat ng presidency.
Walang malinis na botohan, kahit ako
nung haiskul asshole ako at binoto ko
yung kabilang partido kahit na kalaban
ko sila kasi nga asshole ako.

Buti nga at pinatamaan na niya
yung mga dupang na trapo na
maagang nangangampanya.

Ano ba itong si Mar Roxas,
parang tanga naligo sa ulan
para lang may free press siya,
nagtrapik pa kuno, natikman na kaya
niya mag 123 sa dyip dahil walang
perang pamasahe?

My god naman if I have to put
up with Boy Abunda's horific
face at presentation e I would swear
off the telly for eternity, hindi ba pwede
mag voice over na lang siya or i-animate?
Ay wait isa nga pala syang living
caricature na namumuhay sa tsismis at baho
ng ibang mga celebrity.
And for that Manny Villar sucks.

Patungkol naman sa mga rallyista:
One word - ignorante.
Bago sumabak sa kalsada,
alamin ang isyu baka naman dadalhin
na sila sa katayan para gawing
giniling tuwang-tuwa pa sila.

Naranasan ko naman yan lahat
sa unibersidad e.
Ang manghakot
at mahakot,
Ang mag-organiza,
ang makibaka
Ang gumamit at
magpagamit.

Kaso ang tingin ko
mali ang kinakalaban nila.
Meron na kasing mga
infallible truths ang pulitika dito:
1. Given na ang corruption,
it is everywhere and within everyone.
(wag mong sabihing hindi leche ka! hahahaha!)

2. Kahit sinong umupong presidente
ay kakalabanin at given na, inherent na ang corruption
ang tunay na kalaban ay ang presidency itself.

Ang kalaban mismo ay ang kapangyarihan
na napapaloob sa posisyon e kaso kung aawayin
at gegerahin lagi ng mga makakaliwa ang gobyerno
(their ultimate goal is the absolution of the govt
at ang pagtatag ng uring manggagawa upang sila
ang magdesisyon para sa kanilang mga sarili)
wala ng saysay pa ang existence nito.

Ang kaso ang behavior ng tao laging nag-gagravitate
towards a leader lalo ng kung pulutong sila,
unless they agreed on communal leadership
or other alternative forms of community.

Its just impossible!
Ang mga sitwasyon na ito sa SONA,
mauulit-at uulit pa sa ilang henerasyon.
Ang thesis ng presidency ay laging
kakalabanin ng mga anti-thesis na rallyista.

Its the law of nature.
Problem is walang synthesis or yung
conclusion/end result.

At minsan kahit pa i-exercise ng
mga pulis ang maximum tolerance
sa mga rallyista, matitigas talaga ulo nila
at gagawin lahat ng pinagbabawal tapos
idadahilan ang karapatan nila at human
rights churva nila.

E di ba may kasabihan
Im not sure about this:
Your fist ends where the tip
of my nose begins parang ganun.

You just dont go around
encroaching somebody else's space
and cry foul pag naelectrocute ka
ng electric fence nila.
You have been warned.

Ang kulit kasi,
pinipilit yung bawal,
gagawin yung exact opposite ng
terms na pinagusapan at whose
expense?

My taxes pay for the paint
na pantakip sa defaced walls,
sa mga pulis at bumbero na
kailangan bayaran ng extra dahil
kailangan ipull-out sila
at bigyan ng hazard pay laban
sa violence na maari o hindi
maaring umusbong bunga ng mga
pag-organiza.

Siguro ang plea ko na lang sa kanila,
better crowd control for the rallyista.
I thank them when they say,
'I am fighting for your rights
on the streets against the hegemonists,
monopolists, usurpers and other
by-products of bad politics'

But somebody has to be left behind
para siguraduhing iikot pa ang mundo
matapos itong mahinto at magstop-dance.
I choose not to be on the streets,
because i have to be somewhere else
where I am needed more.
Apathetic kung apathetic
pero somebody has to man the fort while
the others go to war.

But of course all these things apply
only sa urban political warfare setup;
its another thing altogether
pag nasa province.
Ibang gera na dun.

Iniisip ko nga din
kung magpapregister pa ako bilang
botante given na kagabi lang
may pinatay na lokal powerhouse dito
na dapat ay kakandidato.

(technically ito ang first election
related crime namin pero siyempre
hindi pa official election period
kaya hindi counted)

8 comments:

  1. inabangan ko yung SONA... ayos lang naman...hehehe... yung pagkukusa ng mga tao ay mahalaga para sa ikauunlad at ikatatagumpay ng isang sektor ng lipunan o ng buong bansa. Kahit gaano kaganda ang adhikain ng isang lider, kung tatamad tamad naman ang miyembro ay wala rin mangyayari.. =)

    ReplyDelete
  2. pasensya na patola,
    ive given up on the country all together.

    ginagawa ko at ng marami pa ang responsibilidad natin, pero ingrained ang corruption sa kultura noypi at siguro sa karamihan ng humans.

    (extension marahil ng survival instinct ng mga primitibo; kamkamin ang lahat para maging panatag ang kinabukasan kahit na matapakan ang iba basta maisalba ang sariling pamilya)

    kumilos ako,
    sumigaw,
    naghanap ng marangal na trabaho (kahit walang sweldo)
    nag-aral,
    napawalay sa magulang.

    ewan ko ba,
    typical na pamilya - watak watak.

    patuloy na nagsusumikap
    at patuloy na naghihikahos.

    siguro pessimistic lang talaga
    ako, hindi utopian. :)

    ReplyDelete
  3. magulo at marumi talaga ang pulitika, may mga patayan pang gnyan,jusko po. tama sinabi mo sa mga raliyista meron sa kanila nkikisama lang,hindi naman kasi lahat nadadaan sa kalye.

    pero naniniwala pa rin ako,aasenso tayo,diko lang alam kung kelan,

    ReplyDelete
  4. hari!

    malamang hindi sa henerasyon na ito,
    hahahaha!
    tama ka! apir! madumi talaga ang politika, ang liit liit ng city namin, nagkakapatayan pa.
    hay, red alert tuloy ang lahat at paranoid.

    ReplyDelete
  5. ang haba ng sinabi mo...pero...anong laro mo sa ds? hehe

    ReplyDelete
  6. gandang ging!

    litanya nga e, parang essay! hehehehe!

    madami ako laro! naka R4 card ang DS ko kaya load lang ako ng load ng game; limitation lang nito 2 gig lang yung memory.

    ginawa ko na ding reading device,
    nagloload na din ako ng books!
    mas mura di hamak kesa sa Kindle, hehehehe!

    ReplyDelete
  7. lord sana po talaga LAST na SONA na niya!

    ReplyDelete
  8. wandering c:

    i concur!
    gusto ko ng bagong mascot!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...