Pages

Thursday, July 30, 2009

Unfair

You all know how
unfair life is...

It fucks you up more
often than you think.

Ive been laboring sa
lowly government lying-in,
for more than a year now.

Never asked for anything
in return, kahit allowance,or
pwesto or even pamasahe.

Bilin kasi ni Mama,
na sa nursing, pasyente
ang focus at ang lahat
ay dapat paghirapan mo
at di ka dapat umapak ng tao
hangga't maari dahil maaring
makarma ka ng mas malupit.

Marami na din ang mga may
kapit na nasabihan na bibigyan
sila ng casual na item;

kaso di nagpush through
at di ko rin naman inintindi
kasi nga wala akong kapit
at sila nga meron na,
hindi pa natuloy.

About 3 months ago,
may dumating na bagong
batch, nakabanggaan
ko agad yung isa.

Ginawa kasi nilang scratch
at sulatan ng mga lovenotes
nila yung mga prescription
pads na kami din ang gumagawa
at kadalasang nauubusan
kami ng supply.

Dumating pa sa point
na nalaman ko na pamangkin
pala siya ng chief doctor
kaya nagkausap kami ng
masinsinan at sabi ko
wala akong pakialam
kung pamangkin sya ng whatever
dahil frankly, pare-pareho
kaming volunteer pero
it was settled amicably.

Zoom to present,
laging pinupuri ng mga
higher ups ang ginagawa ko,
nalaman din nila na may tiyahin
ako na pinuno ng isang org,
lately lang din nila nalaman
na ang nanay ko ay
naging C.I. sa isang lokal
na kolehiyo at kilala nila
na mahigpit at maprinsipyo.

Hindi ko pinansin yung mga puri
kasi alam ko minsan plastik yun,
ganun talaga ang ugaling
pinoy kapag nakaharap parang
santo pag nakatalikod
dinedemonyo ka.

Kahit kapwa staff nila
sinisiraan e kami pa
kayang volunteer.

So kanina ayun pagpasok
ko badtrip agad, hindi
ako kinakausap ng GP
naming bruha dahil nahuli
sya ng dating sa DR,
at ako sinisisi niya
(long story)
hindi naman niya ako
masabon at ipahiya
sa madla kasi nga alam
niya na para akong asong
ulol at kakailanganin niya
rin ako in the future.

So tambay ako sa baba,
buong maghapon, nalaman ko
tuloy na yung voluntir na
pamangkin na doktor ay may item
na at itatrain na daw sa august.

Tinanong ako nung isang
kasamahan ko na permanent morning.
Bakit daw hindi ako nagpatulong
sa tita ko...

Sabi ko hindi ako ganoon e,
ayokong tumapak sa iba,
kasi kailangan mo lang naman
sabayan ang tugtog nila.

Sa madaling salita,
ayoko ng may utang na loob.

Fuck!
Ang bulok ng sistema no?
Lying-in pa lang yan!
Hindi pa tertiary hospital,
ang PGH nga e kailangan
mo lang kapit, pasok ka na.

Nagpaalam ako na uuwi ng maaga,
pero tulala akong umuwi.

Kahit anong sikap mo,
kahit anong prinsipyo mo,
hindi sapat yun,
kailangan daw talaga ng diskarte.
Diskarte ba yung nepotismo?

Oo nga pala, hindi
nakakain ang prinsipyo.

Kung ganoon ako kagaling,
e di dapat inilakad na nila ako
mismo sa mayor,
sila na laging nagsasabing magaling ako.
Samakatuwid, hindi pa ako
ganun kagaling or dahil baka sa....

politika; hindi pa naman ako
sing-ganda niya na pwede
iharap kay mayor,
hindi ako pala-make-up at pala ayos.
Wala din akong kilalang pulitiko,
ni hindi ako botante e.

Mangiyak-ngiyak akong
bumili ng Mappy pizza
at inubos ko lahat pagkauwi sa bahay...

tapos umiyak ako...

tapos natulog.

Kasi life goes on,
hindi tumitigil ang mundo
para sa mga taong tulad ko,
bukas kasi may mga bagong pasyente
na kailangan uling intindihin.

Ano ba nga naman ang
pakialam nila sa nararamdaman ko
e sila nga ang ang maysakit.

6 comments:

  1. nakikisimpatya ako sayo kapatid... nangyayari talaga yan... ganyan din ako nung nagsisimula magtrabaho,, harap harapan mo nakikita ung mga bulok sa sistema.. pero dumating na ako ngayon sa point ng pagtanggap na merong mga pagkakataon na minsan kelangan mo nalang sumunod sa agos... sabay pangako sa sarili ko na hinding hindi ako magiging katulad nila... walang moral sa paggawa, walang prinsipyo.

    basta pagbutihan mo lang, mas alam ni lord ang mga ginagawa mo and im sure, good things are yet to come... :)

    ReplyDelete
  2. sorry na daw. haha.

    naks naman. martyr? haha. basta, the question would always be, "am i happy? "

    pag YES, go lang! wuhoo. haha. :D
    ako nga, okay lang sa akin ang tumugtog na 500 lang ang talent fee. as long as makatugtog ako. wuhoo! haha. :D

    ReplyDelete
  3. Ginawa kasi nilang scratch
    at sulatan ng mga lovenotes
    nila yung mga prescription
    pads na kami din ang gumagawa
    at kadalasang nauubusan
    kami ng supply.



    wasak! haha. sorry na din daw. in lab,eh! haha.

    ReplyDelete
  4. gesmunds:

    yun nanga lang nagpapatakbo sa akin, yung silver lining ng clouds.

    akalain mo wala pa akong sweldo, ganyan na ang sistema - bulok na.

    tama ka! kahit anong mangyari hindi ako magpapalamon sa sistema.


    dedpish:

    hahaha!
    walang sori-sori sa akin, impakta ako e!

    i am happy when i am doing what i am supposed to do - bedside care, charting, assisting with procedures etc. pero yung pakikipagplastikan hindi ko na ata kaya.

    salamat sa snippet ng wisdom ah!
    it made my day!

    ReplyDelete
  5. darn it, you're too young to be a cynic. life is neither fair nor unfair. it's how you deal with it. ang sabi nga, kung bigyan ka ng lemon, gumawa ka ng lemonade. always look at the bright side of things. someday, when you've reached your goals, you'll these days fondly. oy, isang ngiti naman diyan.

    ReplyDelete
  6. plaridel:

    salamat sa pagiging cheerleader!
    pag binigyan ako ng kalamansi tapos tubig balon at asin sa halip na asukal, aba di ba, hindi na nakakatuwa iyon.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...