Pages

Wednesday, October 21, 2009

Boto

i decided not to go to work today
and register myself as a Kabitenyo voter.

Woohoo!
Registered na akong botante.
At in fairness because last few weeks
na lang ng registration,
ang daming tao.

Ngayon ko lang nakita yung COMELEC
tabi siya ng dagat, kung babahain ang Cavite,
wala na lahat ng mga super flammable
nilang bundok ng mga naninilaw na papel.

papel, papel everywhere.

may 2 lalaki ang pinagkukumpulan
sa labas sila ata ang gatekeepers
kaya sa kanila kami nagtanong.

pumasok na ako dun sa aircon na room
kung saan nakapila lahat ang magpapa
biometric measurement -taking.

at dahil kaka-iba ang kulay ko
nataranta si manong at inasikaso ako agad.

hiningi ang valid ID ko,
i presented my midwifery PRC ID,
pinazerox ko at putcha
5 piso ang isang back and forth copy
ng id, grabe sa mahal.

tapos binigyan ako ng forms,
accomplish in triplicate.
e di pirma-pirma ako,
kaso sa sobrang gusto kong maging neat at maayos
yung form nagkamali ako - ang laki kong tanga.

nakahiram kami ng liquid eraser
kaya ok lang, binalik ko kay manong,
thumbmark ko daw tapos pila nako.

nilagay niya yung application number ko
at nilagay niya rin yung precinct number
ko based sa baranggay.

pagdating sa biometrics
kukuhanan ka ng fingerprints,
left and right index finger then
thumbs naman at siyempre ang picture.

lagi naman mukhang tanga, nashock,
bangag ang kuha nila, tapos walang take 2
kasi nga maraming nakapila.

at least dito colored kaso
sa NBI wengweng, nognog ka na
mukhang bagong gising pa ang litrato mo.

tapos sample signature na lang dun sa
maliit na tablet tapos ok na uwi na.
wala pang 15 min.

after the 2010 elections pa daw makukuha ang ID,
talk about backlog di ba?
hindi kasi centralized ang system ng branches ng govt
kaya hindi ganoon kadili, i-cross check ang mga names.

kung yan bang mga database na yan ay
i-thesis ng mga comsci nerds natin e di libre na
at mas napadali ang lahat.

anyway on a lighter news,
na talagang nakakatawa,
tatakbo si Erap.

pag pinayagan uli yan ng COMELEC
ay ewan ko na talaga.

Bakyang-bakya
Trapong-trapo
Peryang-perya ang dating.

Cheers sa ating mga newly registered voters!

1 comment:

  1. oh? after 2010 pa? haha. wasak.
    smen pwede pa-take 2. haha yay.

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...