Here in Cavite, we call this balao
in other areas they call it binatog.
Bale boiled puting mais siya with niyog
at either asin or asukal ang panimpla.
Uhm hindi ko alam ang recipe
pero minsan ireresearch ko ito.
This is P20 worth of balao.
Sobrang dami kasi takaw mata ako.
Yung nagtitinda kasi nito e isang aleng naka-bike,
bago pa man kami makalabas sa gate ng compound
upang bumili bigla na lang siyang nawawalang parang maligno.
Wala kasi siyang batingting, isinisigaw niya lang
ang "Balao ! Balao! "
E nung isang araw inaantay namin siya talaga,
kaso nung lumabas na yung isa,
sinalubong siya nung kapitbahay namin
at magpapabili rin daw.
Nag-aantay yung isa kasi
sakto lang naman pera namin para pambili.
Yun pala ang mangyayari kami
ata muna magbabayad at
babayaran na lang later on.
E P10 lang ang balao?
At saktong bente lang pera namin.
Sana nagpautos na lang sila
dun sa mga tambay na jejemon
na laging nakahambalang sa compound.
Ayun sa kakaantay umalis na yung ale.
Hinanap siya talaga nung isa,
nagbike din siya para mahabol yung tindera
kaso parang sumali sa karerahan yung
tindera ng balao ayaw ata ipagbili
ang paninda niya.
Iniyakan ko talaga ito,
kasi takam na takam ako dito,
ilang buwan ko na kasi
itong di natitikman at isa pa
may season din kasi ang mais.
Umiyak ako maghapon.
Tumulo pa ang uhog ko,
nainis ako dahil kung di
pa nagpa-utos yung kapitbahay
na wala din naman palang dalang pera
e di sana hapi-hapi kami ng balao ko.
Lumipas ang ilang araw,
sumigaw uli yung tindera sa gate,
at finally eto na nga siya.
Happy Ending.
No comments:
Post a Comment
A pen is mightier than a sword especially when sharpened