Pages

Saturday, December 29, 2007

Kalayaan

December 22, 2005

KALAYAAN

Nadama ko ang tunay na kalayaan

nuong haiskul

kain dito, tambay doon

konting away, sandamukal na pakilig

parang walang kaproble-problema

______________________

natatandaan ko ang fave past time ko

patayin yung langgam sa pader sa pamamagitan

ng takip ng ballpen ko

at titigan ko yung mga ulap

parang mahiwaga sila para sakin

parang pareho ng oras akala ko

di na titigil, walang katapusan

__________________

pero siguro ang most memorable

yung nag evangelization kami

halos mamatay na kami sa antok at yamot

whole day pa naman, nagtanghalian lang kami

tapos pagbalik namin malayo pa

lang rinig na namin na tumutugtog yung banda,

mga upper year level

nagtakbuhan na kami papuntang gym

ang tinugtog nila >

MULTONG BAKLA

nuong segundong yon, parang diyos si eliezer,

pinsan ni darvin, dahil sya yung vocalist at guitarista,

parang hihimatayin ako sa tuwa

nalulunod ako sa kalayaan dahil pakiramdam

ko kinalaban na namin ang kamadrehan

at nananalo kami> breaking down the walls of resistance

pero one time event lang yun

actually di na to naulit kahit kelan

wala ng papantay pa siguro sa event na yon.

Ever.

_________________________

alas5 na ng umaga

gising pako

lecheng buhay to

para akong isda

tulog

nakadilat

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...