Pages

Friday, December 28, 2007

Listahan

October 04, 2005

Listahan

Listahan ng mga dapat gawin bago mag-umpisa ng isang MA-UNGGOY na NEGOSYO (monkey business):

1. MAGRESEARCH kayo!

Wag niyo iasa sa mga pangkaraniwan niyong dunong at walang silbing capabilidad ang success ng inyong negosyo. Wag mahiyang magtanong. Kahit yung tambay sa kanto ay may utak, puwede silang magcontribute ng EXPERT PROFESSIONAL advice. Mas maigi kung maabutan mo sila sa kanilang CREATIVE MOMENT kung kelan, either lasing sila or stoned at nagfoflow ang creative juices nila. Libre ang consultation basta ba di nila halata na ginagamit mo na sila. Dahil kung kayo lang ng friends mo ang magba-brain storm walang magandang kahihinatnan kundi ang magkuwentuhan kayo buong magdamag.

2. SHOPPING na AGAD!

Wag ng magpatumpik-tumpik pa, mag-impulse buying at maghoard ng mga materyales na kakailanganin, better yet, agawin sa mga bata ang puwede pang pakinabangan tulad ng mga stick, retaso, at mga toys nila (ire-remodel lang kamo, tapos ipaspell mo sa kanya ang remodel sabay takbo). Ang planning stage niyo ay dapat 1/16 lang ng proseso niyo ng pagbili. Ibig sabihin, gumawa lang ng list, mag-away kayo ng konti, pagdebatihan kung ano ang PACKAGING ng produkto niyo tapos larga na. Mas maganda kung sa Divisoria mamimili pero aircon ang SM at malinis ang CR nila...well choice niyo na yun.

3. SOBRAHAN ang BUDGET!

Mandatory ito dahil sa pamimili niyo makakakita kayo ng mga anik-anik na di niyo naman kailangan pero DAHIL sa nakyu-kyutan ang isang miyembro niyo e mapapabili kayo. Halimbawa nito ang pagbili ng rabbit, ng balloons, tissue paper at mga pagkain. Especially ang pagkain, marami pa kayong sidetrip hanggang isa sa inyo ang abutan na ng diarrhea sa daan. Magbaon ng diatabs...always.

2 comments:

  1. hey pwede mag-invest sa imong nekosyo?

    ReplyDelete
  2. hahaha! sana nga lang may negosyo pa kami.
    para sana sa tshirt printing business namin 'to kaso ng nabili na namin lahat ng material thats when we realized na wala ni isa samin ang marunong gumawa ng actual design...

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...