Pages

Saturday, December 29, 2007

Tampo

December 05, 2005

tampo

isang rebelasyon

ang pagdissect sa isang relasyon

___________________________-

pagsawaan natin ang gabi

habang tayoy magkasama pa

di ko mapapangako

na tayo ay aabot kinabukasan

kahit sa pinapangarap na kailanman

dahil ang pangako

ay sumpa ng kabiguan

kayat wala akong sasabihin

______________________

pagsawaan natin ang pagtitig sa 'ngayon'

dahil nagiiba ito

walang permanente

kahit ako

mahirap atang alalahanin ang

di naman naisakatuparan

_____________________

pagsawaan natin ang pag-ibig

mukhang imposible

pero nangyayari

kahit ako minsan

sumusuko na sa iyo

___________________

pagsawaan natin ang pagiging "tayo"

dahil mahirap ibalik ang mga natapon

at nawaldas na sandali ng isang relasyon

pagsawaan na natin dahil sayang

+++++++++++++++++++++++

at kung sa tingin mo

busog ka na at sapat na ang lahat

wag mong isiping ganon din ako

at basta na lang nakuntento

di ko kayang pagsawaan ka

di ko kayang sabihin

bulong puwede ba...

mahal kita

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...