September 12, 2005
The weather
Umuulan noon...
"Ang pangit ng panahon no?"
sabi mo
"Alam ko may bagyo."
sabi ko
"Baka habagat lang, wala namang balita sa tv e."
sabi mo
"Huli ka lagi sa balita tsk tsk..."
sabi ko
"Anong kinalaman nun?"
tanong mo
"Basta may kinalaman yun, manhid ka kasi!"
sagot ko
Nakulitan ka din at umalis.
Dumilim ang langit, sing itim ng mga daliri
na panay ang hawak sa bintanang taon na
bago nabuksan, maalikabok na kasi.
Pareho kaming nalimutan...
Napahatsing ako sabay tingala...
Basa.
Ang unang bugso ng mga patak
ay sumakto sa mga mata ko.
"ARAY! Leche! Acid rain!"
Tinawag mo ko,
"Hoy! pumasok ka na dito, magtong-its na
lang tayo bago ka pa malunod diyan sa baha!"
Napapikit ako uli...
Ninamnam ko ang lamig...
Pagdilat ko tuyo.
Nababaliw na nga ata ako.
"Hoy! Ano ka ba! Basa ka na!"
Isa pa...
"Baka kala mo dadalhan kita ng payong?
Pumasok ka na kasi!"
Nakakatuwa...
"Leche ! Bahala ka magkasakit diyan, ayan
may lumulutang na daga oh!"
Napalingon ako...
Umuulan nga
Basa na ko e
Nalulunod na ko
sa sarili kong luha...
Naalala ko.
Kung bakit gusto ko
ang ulan...
Kasi andun ka...
_____________________________
Ang artikulong ito ay kathang-isip lamang
Naisin ko man na totoo ito.
Hindi ganito ang love story ko!
Mas maganda dito.
No comments:
Post a Comment
A pen is mightier than a sword especially when sharpened