January 06, 2006
BANDA
I should be blogging about something else
but instead i felt like writing this...
_______________________________
Uso na uli ang mga banda
dati E-heads lang ang sinasamba ko
ngayon may minor deities na rin akong
pinag-aalayan ng tenga
________________________
Bakit nga ba nakakabaliw ang mga nasa banda?
Pag tumutugtog sila, feeling mo, ikaw lang at sila
at para sayo ang kanta
parang kahit tulo ng pawis nila sasambutin mo
para lang gawing pabango.
Masaya ka na dahil pareho kayo ng hinihingang
masalimuot at amoy kulob na hangin
______________________________
Ang sarap nga umupo sa unahan e,
kahit na nabulag na sa silaw ang vocalist
akala mo sayo sya nakatitig.
Titig ka naman pabalik,
labanan ng matalim na tinginan...
Gaga, di kanya nakikita
Nagpoproject
sya sa lahat di lang sayo
marami na kayong nadali.
Tumingin ka sa paligid mo,
di lang ikaw ang nakanganga at nakatanga
_____________________________
Iba kasi pag lalake ang kumanta ng love song
and i mean LALAKE!
Para bang laging nagmamakaawa
Sinong matigas na babae ang di makakaresist sa:
I need you...
Im suffering
Im lost without you
I miss you
Since youve been gone
I wish you were here
Remember us
Us against everything & everyone
Im in pain
Im lost
You gave me the reason to live
Im going crazy coz of you
You brought color to my monochrome world
Theres a certain hole somewhere in me
Calling for you here outside in the thundering rain
If i dont have you ill die
Im dying
I was dead till you came along
Im alive coz of you
I love you
_________________________
Buti sana kung name mo ang title ng kanta
with matching surname para sigurado
_________________________
O di ba kalokohan???
Naaantig lang ang damdamin mo dahil
babae ka at may maternal instinct tayo
Tipong pag wounded si guy
tayo ang magpapagaling at magpoprotekta sa kanya
You wish!
E mas healthy pa yang mga yan kaysa sayo
Nakakainom, nagpupuyat at nakakapagyosi pa!
Wounded emotionally pupuwede pa
Pero ang dali magrebound ng mga yan
Malakas ang loob
dahil konting titig lang at swish ng buhok
parang mga kabuteng tumubo sa kamay
nila ang mga babae na nakakapit sa kanila
____________________________
Hay... no matter what
gaano man sila
kapanget
kawalang talent
you have to commend them para sa effort
bihira lang ang mga tunay na makakapal ang mukha
______________________________
Appreciate the music
yun ang mahalaga.
They make songs for a reason
and youre there to celebrate the experience...
Listen and learn....
No comments:
Post a Comment
A pen is mightier than a sword especially when sharpened