Pages

Tuesday, January 1, 2008

Butete 3

May 07, 2006

BUTETE 3

3 butete friends
planned a date
and they got ...
slightly disappointed
_________________
COOKING NG INA MO!
Nagsimula ang date naming 3
ng magkita kami ni reim
para mamili ng ingredients
sa grocery ang punta
siyempre hilong talilong
kaming 2 paikot-ikot
walang listahan
1.8 kilo ng pasta
3 karton ng cream
3 lata ng gatas
2 lata ng mushrooms
1 giant kahon ng keso
1 roll ng bacon
1 pack ng spiced ham
sari-saring chips
9 na bote ng red horse
2 kaha ng yosi
(i made the last 2 up)
siyempre si reimar ang
nagbuhat dahil pera
naman niya yun
at isa pa mabigat
Tapos nito nagkita kaming 3
para kumain sa jolibuyog
Kinilabutan ako ng makita
ang Jolibuyog na mascot
_________________
MOBILE KUSINA!
Well di naman talaga
mobile ang kusina ko
marami lang mobile phones
Aba e naging recharging
center na nga bahay ko e
Nakacharge si IPod sa
laptop ko
ang mga mobile kanya
kanya din ng puwesto
ng saksakan
Actually nagbrown out pa nga
habang nag-iigib ako
buti na lang nagkaroon kaagad
ng ilaw dahil si chet
ay muntikan ng mabuwang
ng magsisigaw siya
ng malagyan ko ng patak
ng kandila yung kamay niya
Kala namin may sapi
buti nga walang nakaisip
na sabuyan siya nung bacon
na tinatadtad niya
or tarakan ng kandila sa noo
nagsusumigaw lang naman siya
ng mga 20 times para kang
nakarinig ng recorded scream
ng isang mumu
na nasira at nagloop
kaya di na nakakatakot
nakakatawa na.
Buti na lang nagkailaw kaagad
__________________
DIS GUYS IN LAB WID U PARE!
Eto na ang supposedly
highlight ng date namin 3
Dumating si Lizeth
na gandara ang hair
at nakikain at nakigulo samin
(Salamat nga pala sa sprite)
Bago kami magtae lahat ay nauna
na sila sa montano hall
dahil tumawag ang aking Mama!
Unfortunately,
pagdating ko duon
parang sinisilaban daw ang montano
kaya nagpahangin muna kami
at bumili ng amoy ipis na mineral h2O
Pagpasok sa loob
may isang pendong na ugok
sampu ng kanyang mga kasamahan
na puro kalbo din at maepal
ang naglakas loob na magpakitang
gilas ng kayabangan niya sa pamama-
gitan ng pagkuha ng mobile # ni
gandarang lizeth
(kasi nagandahan sa buhok mo)
Akmang papaluin ko siya ng mineral h2O
sa kalbo at walang utak niyang ulo
ng marinig ko si chet "titser ako!"
Sagot ba naman ni epal
"Seaman kami"
Di kaya seaweed ang utak nito?
Puro tubig at agar lang ang pampabigat?
Parang gelatin?
Tinanong ko siya
"Alam mo ba na matanda na kami"
Ang sagot ng brainless epal
"OK lang yun, uso naman yun ngayon e"
E gago pala to e
Kala ba niya naiimpress kami
Natatawa kami sa kahunghangan
nila, mukha ba kaming pick-up?
mukha ba kaming bisaya?
more importantly napansin
niya ba na 3 lang kaming
babae at si chet di babae
ahem...si reimar pala?
buti na lang...
kundi baka lumabsaw utak niya
kung nagkataon na naipalo
ko sa gelatin niyang utak
ang mineral water ko.
___________________
RAKRAKAN? YAWN!
Inaabangan namin ang Demayo avenue
Dumating na din si joijoi
E kaaba-aba naman
ang sitwasyon nila
andun pa sila simula alas-sais,
naglalandian pa lang kaming 4 nun
Tapos ang nakita lang namin na tumugtog
e mga bisayang lasing na 70s
pa ang tugtog
walang appeal bwisit
nagsialisan na tuloy ang tao
minura pa sila ni joijoi.
nabadtrip pa tuloy ang lahat
__________________
MORAL OF THE ISTORI:
Wag pakantahin
ang mga bisayang
lasing na walang
kaappeal-appeal
lalo na kung mas
magaling pa kumanta
si chet sa kanila.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...