Pages

Tuesday, January 1, 2008

Depresyon

March 12, 2006

DEPRESYON

Depresyon

nagkalat ito ngayon

oo alam ko na bilang isang

student nars e di naman talaga

matatawag na clinical psychosis

ang kinasasadlakan ko ngayon.

Di lang ako

madami kami

si Chet, si Eileen,

si Reimar na marahil ngayon

ay nakaahon na

si Jen na di naman talga nadedepres

dahil di naman tinatablan nito

ang mga retarded.

_______________________

Suicidal ideation

ito daw ang tawag sa pag-iisip

ng isang tao patungkol sa suicide

Ilang tao na ba ang nasabihan ko

na napaka saya ng mundo para

iwanan mo...

Di ko iniisip na kunin ang sarili kong buhay

di pako ganon katanga

marahil ang gusto ko lang ay

temporary escape

oo escapist ako

tinatakbuhan...

tinatalikuran...

ang problema

in short

DUWAG AKO

ang lagi ko lang naman

initingnan kaya siguro

di pa nasisira ang ulo ko e

ang silver lining.

umaasa ako lagi na may

lecheng silver lining!!!

Na minsan naging silver

na ang mata mo kakaabang!!!

Okey lang, may theory nakong

sinusundan simula elem

actually life philosophy ko ito

ANG BUHAY AY ISANG GULONG

kayat alam ko darating at darating

ang katapusan ng kalungkutan.

____________________

Halatang depressed ako no?

Pero di ko rin malaman

dahil meron ako...

Baka hormones lang.

_____________________

Ang importante, nagsasamasama

ang taong may mga pangangailangan

dun ka huhugot ng lakas

kukuha ng tibay ng loob

manghihiram ng pera

mangaarbor ng gamit

mangangalog ng yosi

magpapalibre

magpapatulong

sa kanila ka makakahingi

ng support di mo kailangan

magsalita...alam na nila

nanggaling din sila dun e.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...