Pages

Thursday, January 17, 2008

Durog

Lahat talaga nagagawa mo
para sa pag-ibig.

My supposed former ex-bestfriend
(long story)
texted us kagabi and told us
that she tried to make ammends
with his boyfriend etc etc
(short story)
Ngawa lola mo.
Di matanggap ang sitwasyon na wala na sila.

Last week lang nagkita kita kami
after seasons lost due to some
negligible tampuhan.
Aware na kami nun sa sitwayon,
salamat sa pagchizmiz ni reims,
na nagkakalabuan na nga sila.

Pero mukhang okey siya
nung nagkakainan kami
at nagkayayaan sa 7-11.
Naglandian pa kami dito sa bahay.
nag-open up pa sya tungkol sa
mga hinanakit at pangarap niya
para sa kanilang relasyon.

Ang tanging nasa isip ko -
ang daldal naman ata nito ngayon,
parang magkalayo na talaga kami
ng dimension.

Heto na pala ang katotohanan,
durog siya,
parang batong pinulbos ni vegetta
sa mga anime-kamao nito.
Pinilipit na ang pride,
kinain ang mga sinabi,
at nabasag na lahat ang mga
pangako.

To no avail.

Mukhang nagkaayawan na.
Pero alam ko at sinabi niya
na siya lang ang lalakeng gusto
niyang makasama sa pagtanda niya.

Wala din naman akong silbing
kaibigan, wala din akong halos
nasabi na tama at comforting
bukod sa magtanong tungkol sa
nangyaring verbal exchange at
pagsesend ko ng corny sms jokes.

Paano ko ba nga naman ico-console
ang puso na di ko puwede matulungan?
Ang hirap nito sa isang relasyon,
2 puso, 2 isip, 2 katawan ang nagsasama,
bilang bystander/friend, isa ka lang spectator.
Pag kinailangan na ang partisipasyon mo,
nalilito ka na at nangangapa.

Nalilito ako at nangangapa
pero gusto kitang tulungan.

4 comments:

  1. probably, just enjoy the thought of being a spectator. because at the end of the day. sila rin lang naman ang makakaresolba niyan. hehehe.

    hey thanks for the comment. posted a response into it! hehehe

    ReplyDelete
  2. i guess your right. as of now di pa siya nagpapakita, saka na lang daw pag di na siya mukhang halimaw hahaha. salamat sa pag-comment.

    ReplyDelete
  3. naisip ko lang pano kung habambuhay na siyang naging halimaw. sooner or later kailangan pa rin siyang magpakita. hahaha!!!

    weird thoughts, excuse me. hihihi

    ReplyDelete
  4. nyahahaha! pag-ibig talaga! simula at katapusan it0 ng ta0!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...