Pages

Saturday, January 26, 2008

Groan

Naglalasingan ang mga kapitbahay,
tipong knights of the round-alcoholics-anonymous table
Ganito buhay nila almost every weekend.

Alam ko na pag nilabas na ang monobloc table
at kiddie chairs, pati baso at pitcher,
e di nako makakalabas ng bahay.

Compound kasi ang tinitirahan ko,
At matropa ang manong na neighbor,
actually driver siya ng trak ng basura!
Promise! Yun talaga trabaho niya.

Pero si manong bukod sa mayaman
sa kaibigan at anak e talagang maykaya
dahil pensyonado ang tatay niya.
Kaswerte nga naman.

Mabait naman silang kapitbahay,
minsan lang makarinig ng ingay galing sa kanila,
pero naman pag nag nag-inuman na sila
ng mga kakosa nya, parang may
miting de avance ng kahanginan dito.

Ang masaklap nun, dito pa sila
pumupwesto sa tapat ng bahay ko
kaya ayoko man makinig,
napipilitan ako.

Nung isang bes na gutom na gutom nako
lumabas ako para bumili sa tindahan,
Sabi ni neighbor "Pasensya na ha, okey lang ba?"
Ngiting aso naman ako with matching
emote mula sa maitim at plastic kong puso
"Sus! okey lang po!" *eyes twinkling*

Sa loob-loob ko, leche naman!
E wala nakong magagawa kahit
magsabong at magmahjong kayo dyan,
nag-iisa ako, at isang clan kayo ng orcs!

Mamaya siguro may maririnig nako ng
pangungumpisal at deak kuya cesar live
broadcast dito...public disclosure ng
mga buhay ng mga weng-weng nato.

Sana malasing na sila para tapos na...
(Putcha! yung mga kababaihan ...
naririnig ko silang nagbibinggo, mukhang
piyesta opisyal na naman dito...huhuhu)

Nagugutom nako at di ako makalabas,
nahihiya ako...
huhuhu...

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...