Pages

Friday, January 4, 2008

Lakwentanovela

August 25, 2006

Lakwentanovela

ang tagal ko ng di nagsulat
nanigas na ang mga daliri ko
sa pangungunsumi sa ibang bagay
naubos na rin ang kuko ko
dahil sa mga minutong nabakante
sa pag-iisip, nginatngat tulad ng
daga ko na patuloy ang solitaryo
at celibate na pamumuhay sa kanyang
kwartong mundo - maliit lang ang
tinatakbuhan...

Ang dami ko ring kinalokohan
ang pagdownload ng mp3
ng ilegal at pakikinig sa mga
e-books na libre.
(Mahal na kita stephen hawking
kahit na nilumpo ka ng iyong sakit!)
naniniwala pa rin ako na ang art
ay ina-appreciate at ang impormasyon
ay libre...ngayon lunod na ang lahat
sa komersyalismo ultimo ang
mga expired napagkakakitaan.

Wala din akong magawa kundi
manood ng mga telenovela
na kahit anong isip ko ay
alam kong walang originality
OO, mababaw ang kaligayahan
ko pero alam ko kapag napla-
giarize na ang isang ideya
at done na ito to death
reincarnated for the third time
sabay tamaan pa ng amnesia.
Yun ang formula ng mga
"lakwentanovela" na mapapa
nood ngayon
requirement ang mga bida na
inosente
may maayos na pangangatawan
o kayay disfigured physique
kailangan e makitaan din ang mga bida
tipong luwa ng kaunti ang dibdib
tinapalan ng apat na monay para umangat
at abot singit at labas bituka na damit na yari
lamang sa 1.5 inches na tela
di din dapat kalimutan and sektor ng
mga kabaklaan at ang mga bidang aktor
ay nilalagyan din ng muscle di lamang
sa dibdib kundi sa iba pang maselang bahagi
sayang nga naman ang viewership
demographic na sangkabaklaan!
bentang benta din ang katangahan ng
mga bida
alam na ng lahat pati
ng mga manonood dun pa lang
niya marirealize ang kung ano mang
kabobohang di niya makuha kuha
sa proseso ng pagri-realize na ito
(na may span na 12 episodes) kailangan
ding may mamatay na minor na
karakter sa proseso para talagang
maramdaman niya ang epekto ng
kabobohan nila
Siyempre mapaghiganti ang lahat
ng bida at ire-revenge ang
kamatayan ng nalimutan ng minor
karakter, matatalo si bida
sugatan, duguan, luhaan
halos iamputate na ang kanang paa
at magangrene ang kaliwang kamay
sa pakikipaglaban ( na ewan kung bakit
may natatamaan pa dahil slow motion ang
labanan) e animo'y madadali ng instrumento
ng kamatayan ang bida at halos mabulag,
mabingi, mapipi at magkaroon ng incontinence
ito sa hirap. To add insult to injury ay
dapat galisin ito at mag50-50 at magcon-
vulsion na ang tanging gamot ay ang ipot ng
tiririt na kumain ng 15 bughaw na langaw
na matatagpuan lang sa ikatlong sapa sa may
dampa ni Manang Loleng na nakatira sa
isla na mararating lamang sa pamamagitan
ng paghinga sa ilalim ng dagat kalauna'y
matutuklasan nila na nasa likod bahay lamang
nila ang nasabing ibon at di pala ito rare
tulad ng nabanggit ng albularyong kuba, peste
pala ang mga ibong tiririt at di na kailangang
pagpaguran pa. Sa makatuwid sa haba ng
paghahanap namatay na ang bida at irere-incarnate
ito ng isang engkanto at di ibabalik ang
dating itsura nito kaya't mukha siyang inaagnas,
aalukin siya nito ng kasal na tatanggihan ng
bida dahil mayroon na pala itong nobyo.
Sa bandang gitna ng istorya (wala pa tayo sa
katapusan) matutuklasan na ang nobyo ay siya pa
lang tiyuhin nito
darating ang ina ng bida na may 308
years ng nawawala at sasabihing di ito tiyuhin
at naisumpa lamang dahil nagnakaw ito mula
sa hardin ng isang salamankerong pari.
Tatakas ang magnobyo mula sa engkanto sa tulong
ng ina ng bida patungong New Jersey
huhulihin sila dun dahil kulang ang papeles nila
at mga ilegal alien pala sila. ikukulong sila,
mababaliw ang bida, malalaman ng bidang
lalaki na nagdadalang tao siya kahit lalaki
ang kasarian niya
pagkakaguluhan sila ng media at ang
bidang babae e magiging taong grasa
na lumalaboy laboy mula New Jersey hanggang Macau
magiging sikat na artista ang lalaki
makakapangasawa at yayaman
magiging katulong niya ang dating nobya
may sayad sayad pa ito
kayat lagi itong nagsasayaw kapag pinapatugtog
ang Pinoy Big Brother Theme
pagmamaltratuhan siya ng napangasawang
reyna (ng Macau) ng dating nobyo
papakainin siya ng putik
papainumin ng putik
papaliguin ng putik
bibihisan ng pinatuyong putik
papalaagain ng itik
babalik lang siya sa katinuan
ng makita niya ang anak nila ng
dating nobyo
muntik na itong sagasaan ng
rumaragasang skateboard at iniligtas niya
ito, itatakas niya ang bata
at dadalin sa plantasyon ng pinya
sa Tagaytay,(na siyang kinaroroonan ng ina ng bida)
isusumpa siya ng kontrabidang reyna ng macau
magkikita-kita silang lahat sa tagaytay
sa may talahiban malapit sa starbucks
iinom muna sila ng kapeng alamid
bago magduelo magsusulputan
lahat ng engkanto, duwende, white lady,
kapre, goblin, tikbalang at orcs may
guest appearance din si eddie garcia
bilang saruman
puputok ang taal at mamatay sa freak
accident ang kontrabidang reyna ng macau,
mahuhulugan ito ng lumalagablab na dam-
buhalang bato mula sa taal.
Bago ito malagutan ng hininga, malalaman
nila na siya pala ang nawawalang
bunsong lalaking kapatid ng bida
aaminin nito na nagpasex change ito
at naging transvestite.
susuka ang bidang lalake, lulungad
ang lahat.
Uulan ng fuschia pink crepe paper
flowers sa araw ng libing at kasal,
pinagsama na lamang ang dalawang events para makatipid.
Puro pinya ang handa at ang lahat ay magtatae,
mapepeste ang ani ng pinya dahil walang palikuran
sa bukirin at naging CR ang plantasyon
ng mga guest.
Mamumuhay ng masaya ang lahat
nang 3 linggo bago magbukas
ng 2nd season ang kwento
kung saan magkakaroon ng amnesia
ang anak ng bida ng suminghot
ito ng ipinagbabawal na ispiritu
ng katol at pentel pen.
Nakalimutan ko nga palang
banggitin ang pangalan
ng bida
Boy: Baste
Girl: Senjo (St. Jo)

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...