Pages

Friday, January 4, 2008

Buwan at mundo

July 03, 2006

Buwan at mundo

Wag kang kabahan
Sa iyo nakasalalay ang
pag-ikot ng aking buwan

Ikaw ang mundo ko
Pinalibutan ng mga bituin
para protektahan at
gabayan sa dilim

Ako ang iyong
anino at alipin
Wala kang kailangang
sabihin o isukli sa akin

Hayaan mo akong
maging buwan mo
Abot-tanaw...

Masaya na ako
na makita ka
na puno ng buhay
at kulay

Kahit ako ay maratay
sa tamlay ng dilim
na pilit kong iwinawaksi
Para sa mga bituin na
nakapaligid sa iyo...

Ako na buwan mo
umaasa at
nabubuhay
lamang dahil
ikaw ang
mundo ko...

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...