Pages

Friday, January 4, 2008

Lasing

March 19, 2007

Lasing

Nagpaalam through text
Sinundo daw ni kumpare
Alam kong inuman ang pakay niyo

Umuwi ka nga naman
12 sakto parang cinderella
kaso lasing ka

Pinagmalaki na si kumpare
ay patabingi na lumakad
pasuray-suray ka naman

2 muchong red horse
ang nainom niyo
nagtagayan

Ngayon kulay kamatis ka
Amoy chiko
Parang kambing na
ngumunguya ng kendi
para di masuka

Sa sofa ka matulog
para kapag ikaw ay nahulog
diretso bukol
wala na tiyak ang lasing mo

Hindi ako tulad ng iba
na kapag lasing ka
bibihisan, pupunasan ka
na parang bata

Masakit ang ulo mo
Sabi ko wala kang magagawa
Uminom ka e
Walang gamot diyan

Buti na lang nakatulog ka na
Di m na kukuwentuhan ng
mga bagay bagay na dapat
di ko malaman.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...