Pages

Thursday, January 31, 2008

Libre

May aaminin ako
di na ito masyado sikreto
dahil obvious naman ito sa kilos ko.

Mukha man akong barubal at epal
takot ako sa tao,
ayokong-ayoko na mapunta sa isang
sitwasyon kung saan puro strangers
at wala akong control.

Napipipi ako
tameme
paranoid
tungangalero
autistic sa kabuuan.

Hirap akong makipaginteract sa tao
dahil sa milyon milyong dahilan na
ako na lang ang sanang makaalam.

Kanina nasubok ko uli ang sarili ko
Isinoga ang kahihiyan
Nagpresinta ako sa city hall
para sana magvolunteer sa isang lokal
lying-in.

Wala yung doktor na dapat kausapin,
pero andun si mam desquitado
na isang anghel na tumulong sakin.

Tinawagan niya lahat ng chief nurse
na kakilala niya para mainetwork ako.
Ang kaso halos lahat yun
naka-away ko.

Maldita...
Isnabera...
Salbahe...
Sutil...

Malas ko lang dahil sila yung may power.
ako...?
Hanggang pass na lang ng resume
at thank you.

Ganun ba talaga pag matanda na?
Nagpapaimportante?
Granted na mas experienced
and honed by time and hard work
and skills nila, okey lang ba na
magmalupit sa isang neophyte?

Fuck the system!
As in fuck talaga.
Parati na lang ganun.

Kakabilad ko sa initan
kahit paaano may napala ako.
Start na ko sa monday
bilang isang volunteer dun sa lying-in,
Kahit naguumapaw na sila ng volunteer
Tinanggap pa nila ako.

Salamat mam!
Saludo ako sa inyo.
Sana lang di ako magkalat doon.
Kailangan ko ang trabahong ito.

Hindi para sa pera,
Dahil wala kaming bayad
at abonado pa actually kami,
Kundi, para sa self-esteem ko
man lang.

Wish me luck!




4 comments:

  1. argh! ayokong mapunta sa isang party na wala akong kakilala.. I HATE THAT!!! mapaparanoid din ako.. Takot ata ako sa tao.. haha

    ReplyDelete
  2. ayoko pumunta sa kahit anong party, napaka introvert ko talaga. pathetic!

    ReplyDelete
  3. hay...sa panahong ngayon sige sila na ang magaling, sila na ang may karapatang maging choosy.pag bigyan na ang mga old age.wahahaha.

    gooluck, isa kang bayani ng bayan.bow.

    ReplyDelete
  4. @ icka

    sana nga di ko ako maging ganun pag tanda ko...nakasimangot palagi kaya pangit na sa labas pangit pa ang kalooban har har har!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...