Pages

Wednesday, January 30, 2008

Miss

My college friends visited me kanina
mga kapwa nursing studes ko sila
albeit mas bata sila sakin bukod sa
isa na siyang nakakatanda sa lahat.

Namimiss ko sila,
inamin at inaamin ko,
iba din kasi kapag
andun ka pa sa sinapupunan
ng kolehiyo - ang 3rd trisem
bago ka ipanganak
sa marumi, mabaho at kasuklam-suklam
na realidad ng mundo.

Volunteer sila sa isang ospital dito
kakainggit...
Kaya naisip ko na mag-apply din bukas
sana lang makuha ako,
dahil medyo desperado nako.

Wala nakong pera,
maraming bills at utang na babayaran
wala pa ding experience,
papatusin ko na kahit volunteer lang
Basta ba wag lang ako maburo at
mabaliw sa lecheng bahay nato.

Gusto ko ng lumipat,
feeling ko mawawala and pessimistic
outlook ko kung sakaling mapunta
ako sa ibang environment.

Ayoko ng makita ang mga
parasite kong relatives.
(forever)
Ayoko ng makibagay sa mga
manhid kong neighbors.
(bingi na sila sa sarili nilang ingay)
Sawa na ko na mag-igib ng tubi sa balon,
(actually may taga-igib ako - si boypren)
Sawa na akong titigan na parang alien
(dahil sa kulay)
Ayoko na ding kinakausap ako ng strangers
(i want to be alone)
Ayoko ng tinatawagan sa telepono at cellphone
(i want to be detached)

Gusto ko ng solitude...
incommunicado...
Gusto ko mag-isa...
productive...

Ang dami kong gusto...
Ang hirap talaga pag hinahatak ka na pabalik
ng realidad mula sa tinutunga-ngaang panaginip.

3 comments:

  1. haaayyy..buntung hininga na lang...haaayyyyy ulit!!!

    ReplyDelete
  2. korek ka dyan. papatusin ko na rin talaga ang pagvovolunteer.

    ang goal ko na ngayon eh "to serve rather than to be served." kaso nag plastic. halatang desperada na eh.

    ReplyDelete
  3. saklap ng buhay no? @ wandering c.


    plastik na din ako, nakuha nako bilang volunteer sa isang lying-in dito na halos lahat e volunteer, kasama ko pa puro kabatch ko. leche, naipon kami sa isang lugar hahahaha! @ icka

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...