Pages

Friday, January 4, 2008

Monolog

August 03, 2006

Monolog

Inspired mula sa Palanca awarded
na stori - 20 Questions
na pinadala sa akin ni Reims
_______________________
As if mapapansin ito ng hurado
ng Palanca
_______________________
As if may talent ba daw
ako na sumulat ng isang
award-winning piece
_______________________
As if ubod ng lawak ang
perspektibo ko at mabibigyang
hustisya ko ang lahat
______________________
As if marunong
akong magsulat...
sa totoo lang hindi.
Di nga ko marunong
gumawa ng draft e
diretso agad sa pc
_______________________
As if marunong akong
mag-edit,
artikulo ng iba
pinapakailaman ko
sarili kong gawa hindi.
Di ko kasi puwedeng baguhin
ang picture ng emosyon ko
na-i-frame na ito ng mga
salitang isinulat ko na
Walang eraser para sa
mga nagawa na't tapos.
Walang bawian.
____________________
As if may sense ang sinasabi ko,
kalahati nito crap
the other half is trash,
Pagtiyagaan na lang
dahil may kayamanan sa basura,
minsan di pera, mas higit pa.
______________________
As if marunong akong
gumawa ng love story.
I cant.
I cant make one
because Im in one...
Isinusulat naming pareho
ang bawat pahina,
isinasabuhay namin
ang bawat chapter.
Kami ang
bida,
spectator,
manunulat.
______________________
The best book written
is one that you are in.
______________________
As if magaling ako sa
grammar, Im not!
Dinadaan ko na lang sa
humor at sa 5 syllabled words
______________________
As if may bumabasa ng blog ko
I could care less
Im posting so that I could remember
may memory gap nako.
Actually mga 3 tao lang
ang nagco-comment sa blog ko
hapi nako...
_____________________
Salamat.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...