Pages

Friday, January 4, 2008

My casepre article

April 11, 2007

My casepre article

i wrote this for the school paper, i dunno if it will still be published

Am I dead yet? Yan ang inisip ko ng magising ako mula sa 15 minutos kong pagkakatulog sa sahig. More or less 3 hours na lang bago magsimula ang paghuhukom sa grupo ko. Nakikinita-kinita ko na ang paggisa, sangkutsa, pagbarbecue at pagsunog sa amin ng kinatatakutang panel.

Anim na araw na kaming walang tulog, walang pera at wala sa tamang katinuan – mga zombie na palutang-lutang sa sarili nilang mundo. Parang nung isang araw lang ng mamili kami ng pasyente at halos macomatose na ito sa kasasagot sa pangungulit namin.

Student: “Lolo, lolo! Masakit po ba pag itataas ko itong kaliwang paa niyo?”

Lolo: “Iho! Huwag mong galawin ang paa ko dahil bali na ang buto niyan!”

Makailang ulit din kaming nagbuting-ting sa mga abang katawan ng pasyente, parang lab rat lang na pinageeksperimentuhan. Bangon lab rat…bangon!

Student 1: “Saan ko ba daw kukuhanan ng temp? Oral? Rectal? Axilla?”

Student 2: “Ewan ko! Basta kuhanan mo na daw!”

Student 1: “Pano yun? Natutulog si Lolo, tapos tulog din yung bantay.”

Student 2: “Bahala ka, pasyente mo yan e!”

Student 1: “Uy, wag mo ko iwan! Nakakatakot si lolo e!”

Doctor: “He! Ako na ang kukuha para matapos nato!”

Ilang libro na nga ba ang nahiram namin sa school library, city library, public library ng Recto, at library ng internet. Mahirap na kasing alalahanin ang mga bagay na sadyang kinalimutan at mga subject na talagang inabsenan.

Student 1: “Pare pano ba itong anatomy? Walang parapace at carapace sa libro.”

Student 2: “Ha? Paano yan? E importante yun, kasama yun sa report!”

Student 1: “Lagot mabubutasan na ang casepre natin!”

Student 3: “Hahaha! Ang carapace at parapace wala sa human anatomy, upper at lower shell siya ng turtle! Nyahahaha!”

Ang madugong patho-physio ang laging napapapunta sa miyembro ng grupo na laging nagbibibo-bibohan, mabilis kasi ang dating ng karma sa mga taong tulad nila. Mahirap na kasi maging matalino, sa panahong ito kailangan wais ka at nagpapabango ng Surf.

C.I.: “So by the mere circumstance of the patient having been at scene of incident at the most unholy, most unluckiest and most unexpected time rather date and place rather location; the said individual encountered this zooming gas-powered mobile contraption and met his untimely death in a manner so repulsive and dehumanizing that he was at first reckoned to be a common cat roadkill and not a human victim. Right?”

Student 1: “Duh… uh… aahhh.”

Student 2: “May tinatanong po ba kayo?”

C.I.: “Yes, it was rhetorical and no, I was just proclaiming my surprise at the cruelty of the death that occurred upon this pitiful person’s being.”

Student 1: Bakit kasi itong vehicular accident pa ang pinili mo e!”

Sunod sa pinaka-madugo ay ang paggawa sa mga NCP na TSB lang ang intervention na may katotohanan. Mahirap magtagpi-tagpi ng mga copy-paste na articles mula sa libro, nakakaduling ito at nakakagutom.

C.I.: “Naghati-hati kayo di ba? Sabi mo ikaw ang gumawa ng part na ito?”

Student: “Ako nga po!”

C.I.: “E bakit yung kasama mo ang sumasagot?”

Student: “Ako po ang nagtype ng lahat ng yan!”

C.I. “Magaling, magaling, magaling ang contribusyon mo. Mas uusad ang Pilipinas kung ang mga tulad mo ay mapapatapon sa Antartica!”

Isa pang nakakalokong part ng casepre ay ang drug study, mabusisi ito dahil sa mga tables at sa mga gamot na nirereseta ng doctor na di pa pala naiimbento. Bakit kasi di na lang halamang gamot at laway ang gamitin.

C.I.: “Sige, name some of the other uses of aspirin, aside from the ones that you have mentioned.”

Student: “Wala na po ata, yun lang pong 3 nabanggit ko ang alam namin.”

C.I.: “On the contrary, meron pang isa na nakalimutan niyo na.”

Student: “Wala na po talaga. Sirit na po kami.”

C.I.: “Ano give up na ba? Consensus na ba yan ng grupo?”

Student: “Opo.”

C.I.: “Sige, assignment niyo na yan. Kailangan alamin niyo yan or else.”

Student: Meron pa ba talaga? Tatlo lang yun e.

Matapos ang pagpresent ng case ng mala-Broadway at matching Powerpoint visuals. Panahon na ng paghuhukom sa grupo namin. This is the period kung saan pinagiisipan na naming magshift ng course o magpalaboy-laboy na lang. Kailangan prepared kami to battle, labanan ng wits at logic, bunuan ng utak, patigasan ng puso.

Ngiti lang ng mga panellists, iba na ang dating. Nginig tuhod kaming sumasagot. Oras, pawis, tulog, at pera natin ang naisakiripisyo dito at grade lang naman ang nakataya.

Student 1: “O ano? Kamusta ang recon? Ilan sila sa likod?”

Student 2: “Di ko nakita e, pero may dalawa ng paakyat kanina.”

Student 1: “Paki-abot nga yung binoculars… Teka, anim sila na naaninag, ko.”

Student 2: “Sige gagamitin ko itong walky-talky para sabihan yung iba na harangan ang mga parating sa may hagdan.”

So matapos ang pagsasayang ng luha, laway at heaven knows what else, ang paghihirap ng grupo namin ay masusulit at lahat ay magsasaya…

Student 1: “Guys, guys! Binigyan na tayo ng grade!”

Student 2: “Yehey, dali-dali ano sabi nila? Ilan daw tayo?”

Student 1: “Di daw tayo nakapasa, ulit daw tayo next week.”

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...