Pages

Tuesday, January 1, 2008

San juan aka regada

June 22, 2006

San Juan aka Regada

Tumpak si Chet
Makailang ulit na rin ba
tong nangyari

1st 2 weeks ng June
pilit naming isinasantabi
ang paanyaya at mga
imbitasyon na
magsaya at
magwala sa regada

Wala din

Mapapa-oo din kami

Idinahilan na ang lahat
ang pag-itim

ang hideous tan marks

ng mga strap ng damit

ang kawalan ng water gun

ang paghahangad ko
sa fertilizer sprayer equipment

ang consepto ni chet
ng pagiging kagalang-galang
(namely ang pagsuot ng
t-shirt na may nakasulat
sa harap na...
"titser ako"
sa likod na
"konting respeto")

ang problema ko
kung pano
magrerefill ng water gun
kung makabili man ako

ang kawalan ko ng
mamahaling sunblock

ang pag-iisip kung
kakasya ba ang bikini
kong pink sakin na
di ako
magmukhang tele-tubby
na nag-aamok

ang kawalan ko ng tubig dito sa bahay

ang pangmomolestiya ng mga
lasing sa kasama ko
at di sakin (takot lang nilang
maisprayan ng clorox sa mata)

ang taktika ko sa paghawi
sa mga kamanyakan na nagkalat

ang disiplina sa mga binatilyo
(age 10-16)na magkakandarapa
sa mga kasama ko

ang pagkain ng di binabasa ang pagkain

sana umulan sa regada...bumagyo
para di masayang ang puti namin.

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...