Pages

Tuesday, January 1, 2008

Self-consumed

April 08, 2006

SELF-CONSUMED

FIGHT: Pusang grasa vs Hamham
Round One... kleng Kleng Kleng!
_______________________
Pusa: "Talo kita daga, busy ako lagi, wala akong spare time kaso;
alam mo bang stressed na stressed nako, ang tatanga kasi
ng ibang mga pusa e, di tulad ko kumakayod para kumakain
nakaantabay sa pinto ng mga tao. Magaling kasi ako dumiskarte,
kaya ko lusutan lahat..."
Daga: "Kaya mo nga ba lusutan lahat?"
Pusa: "Aba oo naman. Ano bang akala mo sakin. Di ba sinabi ko
na sayo na tatanga-tanga ang ibang pusa. Tingnan mo yan si Ernie
(ang pusang sinunog ng lighter ang ilong), dahil sa kabobohan niyan
kaya nasunog ang ilong nyan. Di tulad ko, kaya ko ang mga kasama
ko, as ive said kaya ko lusutan lahat."
Daga: "Uulitin ko...kaya mo ba lusutan lahat?"
________________________
Round Two...Teng Teng Teng!
Pusa: "Nakakainis naman si Tom cat, yung nanliligaw sakin, iniwan na
lang ako."
Daga: "Ano bang nangyari, narinig ko pa kayo naglalampungan s ibabaw
ng bubong kagabi...nakakapanindig balahibo."
Pusa: "Okey nga e. Im a child of nature, walang inhibitions.."
Daga: "Hiya? Malamang wala ka din noon."
Pusa: "Mapagbiro ka naman...May problema pako e."
Daga: "Hmmm?"
Pusa: "Buntis ako...waaah!"
Daga: "Di ka na nga natuto."
____________________
Round Three... Katsing Katsing Katsing
Pusa: "May kilala ka bang albularyo?"
Daga: "Ang mag-asawang Kepweng at Bebang, espesyalista din
sila sa utak.."
Pusa: "Kasi nasakit ang ikatlong whisker ko sa kaliwa e?
Baka malala nako, ayoko pang mamatay, ayoko pang mabulok,
ayoko pang pumunta sa langit, ayoko pang uurin ang kagandahan
ko...waaahh!"
Daga: "Eskandalosa, di ka pupunta ng langit at more importantly
may langgam lang na nakasanit sa whisker mo. Gaga!"
_____________________
Round Four... MmmBop Bop Bop
Pusa: "Nagmamakaawa ako samahan mo nako Daga!"
Daga: "Saan ba tayo pupunta, kinukumpleto ko pa ang
koleksyon ko ng sunflower seeds at mais."
Pusa: "Sige na pupunta lang tayo diyan sa may kanto,
gusto ko lang masulyapan si Tom cat."
Daga: "HA? E anim na hakbang lang mula dito e. Di mo na
ko kailangan. Ayan ka na naman e!"
Pusa: "Ganyan ka naman e, pag ako nagyaya di ka nasama.
Pag ako nagplano, walang sumasang-ayon, pag ako ang may gawa
puro complain, pag ako ang nagsalita wala lang!!!"
Daga: "Puro ako, ako, ako. Di lang naman sayo umiikot ang mundo.
Intindihin mo, may damdamin din ako, di tulad ng bato! Daga ako
daga di ako inanimate object! Hahayaankita para mapagnilaynilayan
mo ang lahat. Basahin at intindihin mo mga sinabi ko sayo."
________________________
To be continued...
Kablag Kablag Kablag

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...