Pages

Tuesday, January 1, 2008

Pasta

April 13, 2006

PASTA

Dugo at hangin ko
ang pasta
ikamamatay ko
ang isang linggong
di pagkain nito

Para akong vampira
nagtatawag ng "Pasta...Pasta"
kahit mantikilya
basta ba lurpak o gold magnolia
lang ang sauce
kuntento nako

Ewan ko ba
pasta na ang rurok ng
kaligayahan ko
mapa red sauce - bolognese

o white sauce - alfredo

mapa experiment -
tira-tira sa ref

mapasa taghirap -
sauce na kayang gawin
mula sa 10 piso

Siyempre bilang pasta
coinnesseur? (ispelling?)
i spurn catsup/ketchup
as the main sauce
as an additive okey lang
basta ba di ko malalasahan
di lang siguro timplang
tamis pinoy ang dila ko
tipong timplang kaning
baboy siguro dahil
yung mga pasta experiment
ko e halos ako lang ang kumakain
okey lang at least busog
lamang tyan din kaya yun.

okey din lang sakin
yung nabibili na pasta
na nakabalot sa plastic
as ive said lamang tyan
din yun, wag lang magutom
at basta ba wag kainin na
parang hyena na dumukot
ng pagkain mula sa mga leon -
(sarap na sarap kasi di
pinaghirapang katayin, nalibre!)
which reminds me kainin niyo
ito ng may kubyertos unlike some
person i know na pati plastic ata ay kinain
CHET Natatamaan ka????!!!!!
(Sobrang gutom lang ni chet)

Anyway salamat kay
Marco polo at nakarating sa italia
ang recipe ng mga intsik at nagkaroon
ng variation ang noodles
posh na sila - pasta

Sana lang ay araw-araw ay
may frend/acquaintance akong
nagbebirthday para laging libre
ang pasta ko.

__________________
isinulat ko ito matapos mauta
sa kalahating kilong pasta
na niluto ko pero di naman naubos
natural pang 4 na tao ang kalahating kilo
2 tao lang ang kaya ko...

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...