Pages

Friday, January 4, 2008

Sikret

December 15, 2006

Sikret

Natatandaan mo ba ang iyong haiskul days?
O kung maagang kang namulat, ang elem days mo?
Baka naman late bloomer ka at college ka na
nagmature?
Para ito sa inyo.
Sa lahat ng nakaranas ng sitwasyon na ito.
_________________________________
Perspektibo ng mangingibig
____________________________
Nasisiyahan ka ba
na nakikita mo kong
nagkukunwari?

Sa tuwing niloloko
ka ng iba, sa tuwing
tinutukso ka nila
sa kanya?

Nangiti ako
pero durog na durog ako.
Nagpapanggap na lang ako.

Naiisip mo rin ba ako?
Katulad ng pag-iisip ko sayo?

Nasasaktan ka din ba
sa tuwing naiisip mo
na walang "tayo"?
Na di tayo puwede?

Hindi dahil sa ayaw mo
o ayaw ko kundi dahil
isang milyon pang
iba't-ibang bagay?

Masakit ba?
Panghinayangan ang "wala"?

Sa tuwing tatawag ka
alam mo ba na pagkakataon
na iyon?
Na nasa langit nako at ayaw
kong matapos ang usapan?

Sa tuwing nakikita kita
na nag-iisa, gusto kong
lumapit at yakapin ka,
tawagin kang akin?
Pero di puwede.

Sa bawat tingin mo sa akin
dun na lang tayo
nag-uusap?
Ang dampi ng kamay mo
sa katawan ko ay
parang kuryente?
Naiintindihan mo ba?

Sinasadya mo ba na
saktan ako para mapagtakpan
mo ang kasawian mo?

Nasasaktan ka na ba?
Nagdurusa ka na ba,
ngayon na nabasa mo na ito?

No comments:

Post a Comment

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...