Pages

Sunday, February 24, 2008

Utos

May mga ilang milyong
beses na rin akong nautusan.
May pagka-uto-uto din
kasi ako at natango na lang
pag walang topak.

Nasubukan ko na ring
maging sutil at umiwas
sa mga taong may katamaran
at wais.

Nagdabog na din ako,
nagdahilan, nagmakaawa,
nagsumamo, nambola
lahat na ata
para lang makatakas
sa paguutos ginawa
ko na.

Ang isa sa pinaka ayoko
e yung makikiusap na
nga lang sasagarin ka pa.
Wala man lang pakonswelo.

Di ako nanghihingi ng
bayad o merienda,
nagdedemand ako
ng kahihiyan!

You see, once upon a time,
last week ata yun,
dahil sa aking kadaldalan
ako ang nautusang gumawa
ng short story para sa anak
ng isa kong kasama sa trabaho.

Iskul project daw, kahit gaano
kahaba, idodrawing daw nung
kasamahan ko.

So gumawa ako, isang ghost
story na umabot ng siguro
mga 6 pages kasama pati
yung drawing ng kasama ko
comics style daw kasi.

Kinahapunan, sinabi nila
na kailangan daw umabot ito ng
10 pages, dagdagan ko daw
yung ginawa ko, gawan ng
paraan.

Shit naman e!
School project yun.
Napakatamad na ba
talaga ng mga bata
ngayon at di man lang
makagawa ng kahit na ano?

Naisip ko nung nagaaral
ako, pag may project kami
ako talaga ang gumagawa
at di ako humihingi ng tulong.

Katwiran ko ang pride ko,
paano na lang yung
hidden talent ko?
Maluluma na lang ba sila
at di magagamit?

Paano pag pinademonstrate
sa akin bigla yung project?
E di nagkanda leche leche ako?
Baka ipakain sakin bigla
yung mayo hair tonic
namin at idessert yung
cartolina at pentel.

May pagkastubborn kasi ako,
kailangan ako ang gumawa
para may control ako sa
project at alam ko ang pasikot-
sikot nito kahit pa mga
braniac ang magtanong.

Yung iba naman kasi
puro asa lang,
nagpapagawa
di man lang umusisa
at makialam,
talagang parasite at
walang kusa
namemerwisyo pa.

Tamad na yung estudyante
mas tamad pa yung magulang
at di marunong magdisiplina.
Batugan skills lang ang
maabot nila, walang creativity,
innovation at critical thinking.

Kung ganito ang mga estudyante
ngayon paano na yung susunod?
Di na sila bibigyan ng assignment
kasi tinamaan sila ng tamaritis?

Hanggang ngayon nagiisip ako
kung paano ko sila maiiwasan.
Baka nga pati ako tinataman na rin...

13 comments:

  1. It's nice to be nice to nice people. It's nice to say yes to nice friends.
    However, it's also nice to say no to nice requests.

    Walang ibang word? Puro na lang nice. LOL. Ewan.

    ReplyDelete
  2. poetic ka talaga binibini maski kelan...ahahaha uo nga no...parang may katamaritis ako....

    [yas]

    ReplyDelete
  3. gervacio!

    sakit ko talaga to - i cant say no! huhuhu pathetic.

    elayas!

    tinatamaan din ako nyan madalas - tamariticytis (mas kumplikado hahaha)

    ReplyDelete
  4. ako din badtrip sa mga ganyan.
    super.
    may classmate ako sa school.
    nakipag friends sakin.
    well, i don't know if it's on purpose, working student siya and may assignment siya sa ibang subject.
    nagpagawa ba naman sakin.
    todo tanggi nga ko at puro palusot ako na walang ink printer ko.
    sabi niya punta na lang siya sa bahay namin.
    so ang ending ginawa ko na lang.

    naulit pa ulit yon.
    nagpaparamdam na naman.
    sabi niya may project daw siya sa java and need niya na ipasa bukas din.
    sabi ko wala akong alam.
    pero magaling siya, nakahanap na naman siya ng host.

    ang reason niya:
    she's working and ang hirap imanage ang time.

    1 time nabadtrip ako.
    sabi ko hindi ko na problema yan.
    dapat marnong siya ng time management.
    at pwede ba hindi ako pinanganak para gawin niyang utusan.
    haller.
    1 is enough.


    haba ba?
    nadala ako ng emosyon ko e.
    hehehe.
    mabuhay ka bk!
    wag ka ng uto-uto.
    nakakabadtrip mga ganung tao!
    perwisyo!

    alam kong tamad ka ding gawin ang pinapagawa nila.

    ReplyDelete
  5. Basta ang alam ko lang, wala namang masama sa pagtulong. Kaya lang dapat alam mo, at alam ng nahingi ng tulong kung kelan 'yung tama na, sobra na! :)

    ReplyDelete
  6. lolz, once upon a time cguro mga last week...

    hekhek sakto lang ang pagitan eh noh? hehe

    talagang yun lang ang napuna ko haha, tamad din ako kasi, bonus na an gpasaway, pero dehin ako bully pag humihingi ng tulong...

    either gagawin ko yun ng ubod ng tagal... or hindi ko na lang gagwin haha

    ReplyDelete
  7. yan nga ang problema sa ating mababait...ehem...
    nagiging matulungin ka na nga, inaabuso ka pa.

    siguro, ang kailangan na lang natin matutunan tumanggi...patama din ito sa akin.

    ang hirap kasing magsabi ng NO eh...tsktsk,. bakit kaya?

    ReplyDelete
  8. lolz pasingit lang, naisip ko alng kasi...

    kaunti na lang ang conserbatibo(sa salita at sa gawa) sa ating mga pilipino...

    at dahil nabanggit ko na hindi na tayo masyado konserbatibo sa pananalita, mas gusto natin ang 'yes' kesa sa 'no'

    parang:

    yes(3 letters) > no(2letters)


    ay ewan, adik/OC mode kasi ako sa hapon na ito, nakakita kasi ako ng solid na hipon, as in talagang yung hipon na HIPON

    eyun sorry sa kaguluhan hehe apir

    ps: seryoso ang word verification sa baba kenina ay ang salitang "tubig"... tsamba?

    ReplyDelete
  9. myembro ng alpha kapal muks ang co-worker mo ate! hahahha

    ReplyDelete
  10. anghel ang image mo sa kanya, ayos lang yan'. pag-innapproach k aulit sabihin mo naputol fakfak mo.:)

    ReplyDelete
  11. superym!

    naku girl sinuhulan kami ng chips at softdrink...pampalubag loob! wala bang uto-utv anonymous dito?

    meryl!

    problema talaga pag manhi yung isang partidos.

    mel!

    hahaha, wala talaga akong konsepto ng panahon. chamba din siguro yung tubig.

    wandering c!

    ako din nagiisip kung bakit, noon ko pa problema to huhu. uto-uto anonymous talaga.

    dn!

    sinabi mo pa!

    icka!

    bait-baitan nga ko sa work e, di nila alam impakta talaga ako.

    ReplyDelete
  12. hell mon,
    alam mo pg nangangaral ako ngayon sa mga anak ko nababangit na ang laman ng mga blog mo hahaha...talaga tamad ang mga kabataan ngayon, di sila gagawa ng trabaho sa bahay pati pagtoothbrush papa-alala mo pa(di ko lam kung ako ang may sala o sadyang ganun na sila ngayon).
    mon, bat di mo na lang i-career-in ang pagsusulat ng blog mo? ang ganda ng mga laman at talagang nangyayaring actual di lamang sa yo maging kanino man..mag-apply kana kaya sa mga newspaper(sorry sa pagiging intrimitida no hehehe)
    ate russel

    ReplyDelete
  13. te russel!

    masama akong influence! wag!
    nge di ko pwede karerin ang pagsusulat! di ako kinakarir nito hahaha!

    ReplyDelete

A pen is mightier than a sword especially when sharpened

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...